Nakiisa ang Partido Lakas ng Masa (PLM) sa paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar

By Partido Lakas ng Masa via Facebook

Kasama ang Sanlakas, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, at iba pang mga pang-masang organisasyon at sektor, tumulak ang malawak na hanay mula España hanggang Recto upang alalahanin ang mga bayani at martir ng paglaban sa diktadura, at singilin ang mga Marcos at Duterte sa patuloy na pasismo, korapsyon, at kawalan ng pananagutan.

Limampu’t apat na taon matapos ang deklarasyon ng Batas Militar, nananatili ang mga ugat ng kahirapan at pang-aapi sa ilalim ng bulok na sistemang pinaghaharian ng mga elitista at dinastiya. Mula sa korapsyon sa flood control at pagkait ng disenteng sahod sa mga manggagawa, hanggang sa pagwasak sa kalikasan, pangangamkam ng lupa, at pagpapalayas sa mga maralitang lungsod at katutubo, patuloy na sinasakripisyo ng mga inutil sa gobyerno ang masa para sa kanilang pansariling interes.

Sa gitna ng tunggalian ng mga Marcos at Duterte, kailangang igiit: Hindi sapat ang pagpapalit ng rehimen. Kailangang baguhin ang sistema!

Paigtingin ang laban para sa kasarinlan, kabuhayan, kalikasan, at karapatan. Wakasan ang kapitalistang sistemang umaabuso at pumapatay sa mga Pilipino. Itayo ang Gobyerno ng Masa tungo sa isang sosyalistang Pilipinas!

MAKIBAKA, HUWAG MATAKOT!

SULONG, SOSYALISMO!

#ML54

#NeverAgain

#NeverForget

September 21, 2026

Leave a comment