[TAGALOG] Pahayag ng Partido Lakas ng Masa sa Araw ng Paggunita sa Hiroshima at Nagasaki

By Partido Lakas ng Masa via Facebook

“81 taon na ang lumipas mula nang bumagsak ang mga bombang atomika sa Hiroshima at Nagasaki.” Noong Agosto 6 at 9, 1945, dalawang lungsod ang tuluyang winasak, at mahigit 210,000 katao ang namatay—karamihan ay mga sibilyan. Sa loob lamang ng ilang segundo, naglaho ang buong komunidad, at hanggang ngayon ay patuloy na nararamdaman ang epekto ng radiation, sakit, at trauma ng mga nakaligtas.

Ayon sa ICAN (International Campaign to Abolish Nuclear Weapons), ang mga hibakusha—mga nakaligtas—ay paulit-ulit na nananawagan: “Never again.” Ngunit nananatiling banta ang sandatang nuklear, lalo na sa Asya kung saan patuloy na pinapalakas ng U.S. ang presensya militar at estratehiya ng pananakot.

Patuloy na nakabitin sa ibabaw ng Asya ang anino ng sandatang nuklear at presensya ng militar ng U.S. Sa dami ng base militar sa Japan, South Korea, Australia, Pilipinas, at Thailand, nananatiling buhay ang banta ng imperyalistang panghihimasok.

Para sa Partido Lakas ng Masa, ang Hiroshima at Nagasaki ay hindi lamang alaala ng nakaraan kundi babala sa kasalukuyan: ang paggamit ng sandatang nuklear ay hindi kailanman makatarungan at hindi dapat maulit. Ang tunay na kapayapaan ay nakabatay sa hustisyang panlipunan at dignidad ng bawat tao, hindi sa pananakot o kapangyarihan ng armas.

Ngayong ika-81 anibersaryo, nakikiisa ang PLM sa pandaigdigang panawagan:

Wakasan ang lahat ng sandatahang nuklear.

Hands off Asia.

Itigil ang panghihimasok ng U.S. imperialismo.

Itaguyod ang kapayapaan na nakabatay sa masa, hindi sa digmaan.

August 7, 2026

Leave a comment