Lalahok ang Partido Lakas ng Masa (PLM) sa White Ribbon Movement March ngayong Linggo, June 28.
Kasama kami sa panawagan para sa pananagutan, katarungan, at tunay na pagbabago sa sistemang matagal nang pinaghaharian ng korapsyon, dinastiyang politikal, at kahirapan.
Ang aming panawagan:
Marcos-Duterte, Panagutin!
Ang rehimeng Marcos at Duterte ang may kagyat na
pananagutan sa tumitinding katiwalian, pandarambong sa pondo ng bayan, pang-aabuso sa kapangyarihan, at mga patakarang nagpapahirap sa sambayanan.
Korapsyon, Dinastiya, Kahirapan — Wakasan!
Hindi matatapos ang korapsyon hangga’t kontrolado ng iilang dinastiyang pampulitika ang pamahalaan. Hindi mawawakasan ang kahirapan hangga’t ang yaman ng bansa ay pinakikinabangan ng iilang oligarko at trapo, habang milyon-milyong Pilipino ang walang disenteng trabaho, sapat na kita, abot-kayang pagkain, pabahay, edukasyon, at serbisyong pangkalusugan.
Itayo ang Gobyerno ng Masa!
Hindi lamang ito laban sa iisang personalidad o paksyon. Ito ay laban sa isang bulok na sistemang naghahari sa pamamagitan ng korapsyon, dinastiya, at iilang oligarko sa ating ekonomiya.
Panahon nang itayo ang tunay na pamahalaang magsisilbi sa mamamayan – ang Gobyerno ng Masa na binubuo at pinatatakbo ng masa para sa kapakanan ng nakararami, hindi ng iilang pamilya at oligarko.
Sa White Ribbon Movement March, ipakita natin ang ating sama-samang lakas.
Marcos-Duterte, Panagutin!
Korapsyon, Dinastiya, Kahirapan — Wakasan!
Itayo ang Gobyerno ng Masa!
June 27, 2026
