[TAGALOG] Pambansang Demokrasya at Sosyalistang Rebolusyon

PAMBANSANG DEMOKRASYA AT SOSYALISTANG REBOLUSYON

Ni Sonny Melencio, Tagapangulo, PLM

Introduksyon

Ang lekturang ito ay may limang bahagi:

1. Ang dalawang yugto ng rebolusyon – ang yugto ng pambansang demokratikong rebolusyon at ang yugto ng sosyalistang rebolusyon.

2. Pagbaybay nito burgis-demokratikong rebolusyon (BDR); ang ‘bagong tipo’ ng BDR; mga pambansang kilusang mapagpalaya (national liberation movements), at ang paglalapat nito sa kasaysayan ng rebolusyong Pilipino.

3. Ang konsepto ng Pambansang Demokrasya mula kay Mao Zedong (On New Democracy) at ang aplikasyon nito sa teorya ng pambansang demokratikong rebolusyon na may ‘sosyalistang perspektiba’ sa Pilipinas.

4. Ang pagtanaw sa kapitalismo sa Pilipinas mula sa iba’t ibang mahalagang mga katangian nito.

5. Ang mga debate ngayon sa usapin ng pambansang demokrasya at sosyalistang rebolusyon.

I. Dalawang yugto ng proletaryong rebolusyon (Karl Marx at Vladimir Lenin)

1. Definition of terms: Burgesya at Proletaryo. Ang burgesya ay galing sa salitang Bourg (town o bayan) sa salitang Pranses o Aleman. Sa bayan sumulpot ang industriya at ang uring kapitalista (na tinawag na burghers o later on, burgesya), at ang uring proletaryo (manggagawa).

2. Proletaryo ay galing sa proletarius, salitang Latin na nangangahulugan ng mga walang pag-aari sa lipunan. Ang mga anak nila (proles) ang ginagawang sundalo o pambala sa kanyon ng Emperyo.

3. Parehong salitang ginagamit pa sa mga akdang sosyalista hanggang ngayon, para idiin ang kasaysayan ng kapitalistang uri at uring manggagawa ngayon.

 Burgis-Demokratikong Rebolusyon.

1. Tinatawag itong burgis-demokratikong rebolusyon dahil:

              a. Burgis, pinamumunuan ng uring burgesya na nais wakasan ang pyudalismo at itaguyod ang kapitalismo.

              b. Demokratiko, dahil ibinabagsak nito ang lumang kaayusang pyudal na paghahari ng monarkiya, aristokrasya at nobilidad; itinatatag ang Republika at Konstitusyon, itinataguyod ang karapatang sibil, kalayaan sa pamamahayag, at representasyon sa parliamento.

2. Sa panahon ni Marx (1600s-1800s), ang burgis o burgis-demokratikong rebolusyon sa kasaysayan ay hiwalay pa sa sosyalistang rebolusyon.

Sosyalistang Rebolusyon

1. Sa pag-unlad ng kapitalismo, tumitindi ang makauring tunggalian sa pagitan ng uring manggagawa at mga kapitalista o uring nagsasamantala.

2. Sa unang bahagi ng paglaban ng mga manggagawa, natutuklasan nila na sila’y ‘class in itself’ (obhetibong uri na may nagkakaisang kapalaranat kahilingan na ipinaglalaban nila nang kolektibo o sa pamamagitan ng pag-uunyon).

3. Sa pag-unlad ng kanilang kamalayang makauri, natutuklasan nila na sila’y ‘class for itself’ o isang uri na kung wawakasan ang pagsasamantala sa kanilang kalagayan ay mawawakasan din ang pagsasamantala sa buong lipunan. Ito ang misyon nilang pangkasaysayan. [The Povertry of Philosophy, Karl Marx, 1847.

4. Ang kanilang tunggalian sa mga kapitalista at kapitalistang gobyerno ay magpapasiklab ng rebolusyong proletaryo na magbabagsak ng kapitalismo, magtatayo ng gobyerno ng uri (o isang transisyonal na yugto kasama ang iba pang pinagsasamantalahan at inaaping uri), tungo sa pagwawakas ng pag-iral ng mga uri (Classless society > Sosyalismo).

Klasikong halimbawa ng BDR sa kasaysayan:

  • English Revolution (1640s-1688): pinamunuan ni Oliver Cromwell; bumagsak ang pyudal na paghahari at umusad ang kapitalismo. Lumahok ang masa (Levellers at Diggers), pero hindi nakapaghari.
  • American Revolution (1776): humiwalay sa Britain ang 13 kolonya sa North America at nagtatag ng republikang kapitalista sa ilalim ng United States of America. Dito ibayong sumulong ang kapitalismo sa Amerika.
  • French Revolution (1789): klasikong halimbawa ng kumpletong burges-demokratikong rebolusyon; ibinagsak ang monarkiya at pyudalismo; at itinatag ang kapangyarihan ng radikal na burgesya at petiburgesya (halimbawa, ang mga Jacobins). Sa kalaunan, nabaligtan ang rebolusyon sa ilalim ni Napoleon Bonaparte at pagbabalik ng monarkiya.
  • European Revolutions of 1848 (France, Germany, Italy, Hungary, Austria, at iba pa): Sa mga rebolusyong ito laban sa monarkiya at aristokrasya, lumahok na ang proletaryado bilang isang pwersa. Umatras sa rebolusyon ang burgesya at nakipagkompromiso sa monarkiya at mga pyudal na pwersa. Dito sinabi ni Marx na hindi na rebolusyonaryong pwersa ang burgesya.

E. BDR din ang Rebolusyong Pilipino Laban sa Espanya (1896-1898)

1. Ito ay BDR ng lumang tipo. Pinamunuan ito ng lumalaking uring burgesya o ilustrado (galing sa uring principalia) laban sa kolonyal na paghahari at pagsasamantala.

2. Layunin nito ang:

(1) Pagwasak ng kolonyal at pyudal na kaayusan (target ang mga prayle o friar estates), laban sa sapilitang paggawa (polo y servicios); at buwis at monopolyo ng monarkiyal na Espanya.

(2) Tungo sa pagtatatag ng Republika o malayang pambansang estado.

(3) Pagbubukas din ito ng landas sa kapitalistang pag-unlad.

3. Bagamat naging pinuno ng Katipunan si Andres Bonifacio na galing sa umuubong na uring manggagawa noon), ang BDR ay hindi pinamumunuan ng proletaryado. Ang mismong modelo ni Bonifaco sa Rebolusyong Pilipino ay ang French Revolution of 1789.

F. Paris Commune (1871): proletaryong rebolusyon sa panahon ni Marx

1. Dalawampu’t tatlong taon matapos ang 1848 European Revolution at 82 years matapos ang French Revolution (1789), naganap ang kauna-unahang rebolusyong proletaryo at unang anyo ng estado ng proletaryo. Tumagal lamang ito ng 72 days – hindi ito nanging ganap, maikli lamang, at experimental ang mga paraan ng pagkakatayo ng gobyerno, bagamat may bahid na ito ng mga patakarang dapat isulong ng gobyerno ng uring manggagawa. [The Civil War in France, Marx, 1871]

2. Pinamunuan ng manggagawa at maralitang uri sa Paris – manggagawang industriyal, mga artisano, petiburges (lawyers, shopkeepers, professionals, clerks), at National Guard (karamihan ay manggagawa). Ang Paris Commune ay sang estado ng manggagawa na may alyansa sa petiburgesya.

II. ‘Bagong tipo’ ng BDR

Lenin sa “Two Tactics (1905)

1. Ang nagtatak ng ’bagong tipo’ ng BDR ay si Lenin sa akdang Two Tactics of Social Democracy in the Democratic Revolution (1905). Ani Lenin, may dalawang linya ng estratehiya ng rebolusyon noong 1905:

  •  Ang linya ng mga Menshevik: Dahil burgis ang rebolusyon, ipaubaya ang pamumuno sa liberal na burgesya. Ang papel ng uring manggagawa ay suportahan, ipresyur, at alyaduhin sila, at limitahan ang sariling programa sa katanggap-tanggap lamang sa burgesya.
  •  Linya ng Bolshevik: Kahit demokratiko ang mga tungkulin ng rebolusyon – pagwasak sa absolutismo ng monarkiya, reporma sa lupa, pagtatayo ng republika, at kalayaang pampulitika –hindi ito kayang isulong ng burgesya.
  •  Ang proletaryado lamang, sa alyansa sa malawak na magsasaka, ang may kakayahang itulak ito sa ganap na tagumpay at buksan ang landas ng sosyalismo.

B. ‘Bagong Tipong’ BDR Tungong Sosyalistang Rebolusyon

1. Ang BDR ay unang yugto ng two-stage proletarian revolution. Hindi ito nakahiwalay sa sosyalistang rebolusyon. Gaya rin ito sa pagsasabing ang proletaryong rebolusyon ay may dalawang bahagi: Demokratikong Rebolusyon at Sosyalistang Rebolusyon.

2. Ang demokratikong rebolusyon ay hindi pagwawakas kundi tulay sa tuluy-tuloy na pag-abante ng uring manggagawa tungo sa sosyalismo.

C. Uninterrupted Revolution ni Lenin at Permanent Revolution ni Marx

1. Ang ganitong pananaw ay inilanaw sa dalawang quotation sa ibaba. Mula kay Lenin:

 “[W]e are now advancing towards a socialist revolution… knowing that it is not separated from the bourgeois democratic revolution by a Chinese wall, and knowing, too, that the struggle alone will determine how far we shall advance.” (Fourth Anniversary of the October Revolution, 1921)

2. Mula kina Marx at Engels noong 1850:

“While the democratic petty bourgeois wants to bring the revolution to an end as quickly as possible, it is our interest and our task to make the revolution permanent until all the… propertied classes have been driven from their ruling positions, until the proletariat has conquered state power, and until the association of the proletarians has progressed sufficiently… in all the leading countries of the world… Our concern cannot simply be to modify private property, but to abolish it, not to hush up class antagonisms, but to abolish classes, not to improve the existing society, but to found a new one. [The] battle cry must be the permanent revolution.” (Address of the Central Committee to the Communist League, Marx and Engels, 1850)

D. Pagsulong ng National Liberation Movements (NLMs)

1. Sa yugto ng imperyalismo (1900s), lumipat ang sentro ng demokratikong rebolusyon tungo sa laban para sa pambansang kalayaan. Lumaganap ang mga National Liberation Movements (NLMs) sa Asia, Africa, at Latin America laban sa kolonyalismo at imperyalismo.

2. Sa unang bugso ay kabilang ang:

  • ‘Philippine-American War’ (1899-1902)
  • India – kilusang anti-British sa pamumuno nina Mahatma Gandhi at Jawarharlal Nehru.
  • China (1911) – rebolusyon laban sa imperyalismo sa pamumuno ni Sun Yat-sen

3. Sa unang bugso, karaniwang pinamumunuan ng elite o middle classes ang NLMs, kaya nanatiling bahagi ito ng burgis-demokratikong rebolusyon.

E. Tagumpay ng Russian Revolution ng 1917

1. Nagpanibagong-sigla ang NLMs matapos ang tagumpay ng Russian Revolution. Ipinakita na kayang maagaw ng manggagawa ang kapangyarihan at isulong ang sosyalismo.

2. Itinatag nila Lenin ang Third International (nakabase sa Russia) upang pag-ugnayin ang mga kilusang sosyalista, manggagawa at rebolusyonaryo. Naglabas ito ng mga resolusyon para suportahan ang NLMs, kahit burges pa ang liderato nito, pero kailangang panatilihin ang political independence ng uring manggagawa.

F. Ikalawang Digmang Pandaigdig (1939 to 1945)

1. Umusbong ang bagong anyo ng NLMs na may sosyalistang impluwensiya. Marami rito ay naganap sa pagsambulat ng Ikalawang Digmang Pandaigdig (1939 to 1945). Napalaya ang mga sumusunod na bayan:

  • China (1949)
  • Vietnam (1945/1976 unification)
  • Cuba (1959)

G. Paglalapat sa Pilipinas (1900s-World War II)

Paglakas ng kilusang paggawa

1. Sa ilalim ng kolonyalismong Amerikano, lumawak ang export-oriented capitalism, kasabay ng pagdami ng manggagawa sa lungsod (port area, pabrika, transport). Naglatag ito ng batayan sa mas militante at makauring pakikibaka.

2. Sa Pilipinas, umusbong ang kilusang paggawa (1900-1930s) para sa karapatan sa pag-uunyon at laban sa imperyalismo.

  • Itinatag ang Union Obrera Democratica (1902) ni Isabelo delos Reyes.
  • Lumaganap ang mga welga sa printing, tobacco, at transport

3. Unang lumahok ang mga lider ng kilusang paggawa sa mga independent mission sa U.S. na humihingi ng agad na pagkakaloob ng independence sa Pilipinas.

Partido Komunista ng Pilipinas 1930

Noong 1930, itinatag ang Partido Komunista ng Pilipinas sa pamumuno ni Crisanto Evangelista. Mula economic unionism, umangat ang kamalayang makauri at pampulitikang pakikibaka ng mga manggagawa. Ang unang aksyon ng PKP ay isang malawak na rally ng 100,000 manggagawa at maralita sa Moriones, Tondo na nanawagan ng pagwawakas sa imperyalismong Amerikano. Sinupil sila ng kolonyal na pamahalaan at dineklarang ilegal ang PKP.

Ang Partido Sosyalista ng Pilipinas (PSP)

1. Malakas din ang kilusang pesante sa Central Luzon – Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija. Mas angkop na tawagin silang pesante kaysa magsasaka dahil tumutukoy ito sa mga magsasakang nakatali sa lupa (bondage) sa ilalim ng sistemang kasama at lumalasap ng iba’t ibang anyo ng pyudal na pagsasamantala.

2. Itinatag ang PSP noong mid-1930s sa pamumuno ni Pedro Abad Santos, dating abogado na naging socialist organizer ng mga pesante.

3. Isa sa pangunahing usapin noon ay kung paano makawala ang pesante sa pagkakagapos sa lupa para humanap ng mas maayos na kabuhayan. Sa ganitong batayan lumakas ang kilusang magsasaka, at dito rin umusbong ang PSP.

Pagsasanib ng PSP at PKP

1. Noong 1938, nagsanib ang PSP at PKP sa pangalang Partido Komunista ng Pilipinas (1930). Naging kasapi ng central committee si Pedro Abad Santos. Ipinakita ng pagsasanib na ito ang paglapit ng kilusang manggagawa at kilusang pesante sa iisang rebolusyonaryong direksyon.

2. Maraming lider, kabilang sina Pedro Abad Santos at Crisanto Evangelista, ang inaresto at pinaslang sa pananakop ng Hapones. Sa panahon ng gyera, sinilang ang Hukbalahap bilang armadong gerilyang grupo.  

III. Ang Pambansang Demokrasya ni Mao Zedong

‘On New Democracy’

1. Sa akdang “On New Democracy,” binuo ni Mao Zedong ang kanyang pananaw batay sa natatanging kalagayan ng China. Iba ito sa Russia ni Lenin noong 1917.

2. Sa Russia, may lumalaking proletaryado at ang kalaban ay Tsarismo at landlordismo. Sa China, ang lipunan ay halos lipunang pesante lamang, maliit ang uring manggagawa, at ang bansa ay malakolonyal, pinaghaharian ng mga warlord, at sinakop ng imperyalismong Hapon.

3. Ang maliit na bilang ng mga manggagawa sa China ay nadurog pa sa insureksyon sa Shanghai noong 1920. Matapos ang pagkatalo sa mga lungsod, nag-organisa ng Long March ang CCP at nabuo ni Mao ang konsepto ng Bagong Demokrasya.

4. Para kay Mao, ang Pambansang Demokratikong Rebolusyon ay isang tiyak na yugto ng transisyon – hindi pa sa sosyalismo, ngunit hindi na rin simpleng lumang tipo ng burgis-demokratikong rebolusyon. Bahagi na ito ng ‘bagong tipo’ ng BDR, subalit ang yugto ng Pambansang Demokrasya ay mas mahaba.

Bloc of Four Classes ni Mao

1. Sa New Democracy, iminungkahi ni Mao ang multi-class revolutionary state o bloc of four classes na kinakatawan ng proletaryado, magsasaka, petiburgesya, at pambansang burgesya laban sa imperyalismo, pyudalismo, at burukratang kapitalismo.

2. Sa analisis ni Mao sa malakolonyal at malapyudal na lipunan, ang pambansang burgesya ay maaaring magkaroon ng limitadong makabayang papel sa ilang panahon at antas, dahil may sarili rin itong kontradiksyon sa dayuhang imperyalismo.

3. Kaya ang tungkulin ng proletaryado ay bumuo ng united front laban sa imperyalismo at mga lokal na reaksyonaryo, habang pinananatili ang sariling independyenteng organisasyon at aksyon.

4. Sa ganitong balangkas, ang Bagong Demokrasya o Pambansang Demokrasya ay may mas mahabang transisyon, may mixed economy, may papel pa ng pribadong kapital, at gradwal lamang na naghahanda sa pagsusulong ng sosyalismo.

IV. Ang Kapitalismo sa Pilipinas Ngayon

Ang ‘Malapyudalismo’ at kung umiiral ito sa Pilipinas

1. Sa akda ni Ka Popoy Lagman na Counter-Thesis 1: Semifeudal Alibi for Protracted War *: maaaring gamitin ang malapyudal bilang deskripsyon ng ilang katangian ng lipunan, subalit hindi ito hiwalay na moda ng produksyon. Ang pyudalismo ay moda ng produksyon; ang malapyudalismo ay paglalarawan lamang ng halo-halo o tira-tirang pyudal na relasyon sa loob ng umuunlad na kapitalismo.

2. Ayon kay Ka Popoy, ganito rin ang sinabi ni Lenin sa Russia, The Development of Capitalism in Russia (1899), nang tinawag niyang malapyudal (at barbaric) ang bansa dahil sa mga labi ng serfdom at otokrasya – subalit ]kinilala pa rin niyang ang saligang direksyon ng ekonomiya ay kapitalista.

3. Hindi sapat ang obserbasyon na may magkaibang ekonomiya sa kapitalistang lungsod at pyudal na kanayunan. Ang dapat ay tukuyin kung ano ang nangingibabaw na moda ng produksyon at saan patungo ang kabuuang pag-unlad ng lipunan.

Marx at Lenin: Apat na Identifying features ng Pyudalismo

1. Pyudalismo:

  • Predominance ng natural economy o sapat-na-nagsasariling produksyon;
  • Hawak ng direktang prodyuser (magsasaka) ang ilang kasangkapan at nakatali siya sa pagbubungkal sa lupa;
  • May personal dependence siya sa may-ari ng lupa na tanging source niya ng income; at
  • Mababa ang antas ng teknolohiya at produktibidad ng pagsasaka (na hindi makakabuo ng surplas para ibenta sa merkado)

2. Sa kapitalismo, kabaliktaran ang nangyayari:

  • Winawasak ang natural economy;
  • Inihihiwalay (dispossessed o expropriated) ang magsasaka sa lupa at kasangkapan;
  • Economic transaction sa halip na personal dependence sa may-ari ng lupa (nagiging bayarang agricultural worker); at
  • Ipinapasok ang produksyon sa commodity production, cash economy, at market exchange.

Counter-Thesis 1 ni Ka Popoy:

1. Lubos nang napahina ang mga pundasyon ng pyudalismo bilang isang moda ng produksyon. Hindi ito maaaring ikahon sa paliwanag na umiiral pa rin ang “landlordismo” at “sistemang kasama.”

2. Ang umiiral ay ang mga nalalabing bakas o anyo ng landlordismo at sistemang kasama sa loob ng kasalukuyang sistema. Gaano man kalaganap, kalalim, at kalawak ang mga anyong ito, nananatili silang mga labi ng pyudalismo, hindi ang mismong pyudal na moda ng produksyon.

3. Nasakop na ng malaganap na produksyon ng kalakal, ng ekonomiya ng salapi at pamilihan ang buong kanayunan – maging ang pinakaliblib na baryo. Ang nakararaming masang anakpawis sa kanayunan ay naalisan na ng lupang sinasaka at mga kasangkapan nito. Hindi na obligado ang panginoong maylupa na maglaan ng lupang sasakahin nila. Ang pyudal na pagkaalipin sa tunay na kahulugan nito – ang pagkakatali nila sa lupa – ay wala na. Malaya na silang maghanap ng ibang kabuhayan sa bukas na merkado ng ekonomiyang nakabatay sa kalakal at tubo.

Katangian ng Kapitalismo sa Pilipinas Ngayon

(1) Lumalaki ang Uring Manggagawa sa Lipunan

1. Hindi na ang tradisyonal na pesante ang pangunahing pwersang panlipunan, kundi ang malawak na hanay ng manggagawang sahurán (wage workers), malaproletaryado*, impormal na workforce, at urban poor.

Ang total labor force ay 51.5 million noong 2025, sa populasyon na 117 million. Ang wage-salary workers sa private and public institution ay 33 million, which is 65% of the total labor force.

[GRAPH] Ang breakdown ng 33 million ay ito: sa serbisyo, retail, BPO, transport, 20 million (60%). Sa agriculture kasama ang mga seasonal workers at iba pa, 7 million (22%). Sa manufacturing, construction, utilities, 6 million (18%). Nasa serbisyo ang maraming wage-workers, susunod ang mga nasa agrikultura, at nahuhuli ang nasa manufacturing industries.

Serbisyo (retail, BPO, transport, hospitality)20 million60%
Agrikultura (manggagawang agrikultural at seasonal workers)7 million22%
Industriya (manufacturing, construction, utilities)6 million18%
TOTAL33 million100%

Ang kasama at hindi kasama sa labor force (2025)

1. May 51.5 million na nasa labor force (employed & unemployed). Around 64% ng working age population na 15 years and above (80-81 million). Sa working age population, hindi kabilang ang ss.:

  • Students attending school full-time and not looking for work
  • Unpaid domestic work (housewives mostly)
  • Retired persons
  • PWD or illness (unable to work due to permanent disability or sickness
  • Others ’not seeking work’ (during the time of survey)

2. 29-30 million ng working age population ang hindi kabilang sa Labor Force (NSA, 2025). Halos 1/3 ng working age population na 15 years+.

3. Meron pang 2.2 million na nagtratrabaho sa labas ng bansa pero hindi sila kinukuwenta sa labor force survey ng gobyerno.

Ang 18 milyon labas sa wage & salaried workers

1. Malaking bulto ay 14 million na ‘self-employed o own account workers’. Kabilang dito ang mga street vendors, jeepney at tricycle drivers, gig workers, freelancers, sari-sari store owners, karpintero, atbp. na bahagi ng mala-proletaryado. Kahit hindi sila nagpapaupa ng lakas paggawa kapalit ng sahod, sa panapanahon ay involved din sila sa wage work. Sila rin ang kadalasang lumilikas sa ibang bansa bilang OFW.

2. Kung idadagdag pa ang mga nasa agrikultura (wage & salaried) na mga mahirap na magsasaka, seasonal workers, mangingisda, at natitirang kasama/katiwala sa sakahan – tinatayang aabot sa 16.5 milyon ang mala-proletaryado.*

3. Kung idadagdag pa ang mga hindi ibinibilang sa labor force ng PSA survey (30 million), hamak na napakalaki ng mala-proletaryado sa bansa (46.5 million)!

4. May unpaid family workers na 3 million at may 1 million na mga maliliit na kapitalista (MSMEs).

5. Sa susunod na graph batay sa total population ng 2025 (117 million), ang breakdown ay sumusunod [SEE GRAPH]

Self-employed workers (own-account workers, street vendors, freelancers, etc.)14 million
Unpaid family workers sa family enterprises3 million
Employers o kapitalista (karamiha’y nasa MSME o micro, small, and medium-scale enterprises)1 million

Marx: Industrial Reserve Army

1. Meron bang ‘broad working class’?

  • Ang core proletariat (industrial wage-workers): lumilikha ng surplus value na hinahamig ng mga kapitalista.

2. Industrial Reserve Army (Capital 1, Chapter 25:

  • Floating (Nakalutang): Endo, temporarily displaced
  • Latent (Nakatago): displaced rural population (peasants moving to the cities.
  • Stagnant (Nakastuka): accepted their fate na hindi na makapasok sa pabrika (vendors, jeepney/tricycle drivers, small fisherfolks, sari-sari store owners, gig workers).

3. Halos lahat ito ay semi-proletariat.

4. Kung gaano kaimportante ang mala-proletaryado, heto ang binanggit ni Lenin sa kung sino ang mangunguna sa sosyalistang rebolusyon (proletaryado at mala-proletaryado):

  • Lenin (Two Tactics): “The proletariat must carry the democratic revolution to completion, allying to itself the mass of the peasantry [this includes the lower petty bourgeoisie), in order to crush by force the resistance of the bourgeoisie. The proletariat must accomplish the socialist revolution, allying to itself the mass of the semi-proletarian elements of the population, in order to crush by force the resistance of the bourgeoisie and to paralyze the instability of the peasantry and the petty bourgeoisie.”

Buong Uri sa Pilipinas Ngayon

SEE GRAPH:

UriBilang (estimate)% ng Populasyon (117 million)Papel sa Ekonomiya
Manggagawang sahuran33 million28%Wage and salary workers in industry, services, government, GOCCs
Malaproletaryado20 million17%Precarious or contractual workers, informal labor (vendors, jeepney/tricycle drivers, gig workers, seasonal construction workers, etc.)
Bahagi ng dating tinatawag na Pesante/Peasantry24 million20%Magsasaka, mangingisda, kasama (tenants), seasonal agricultural workers
Urban poor12 million10%Irregular survival economy
Petiburgesya/middle class12-15 million13%Professionals, managers, small entrepreneurs, small property owners
NAGHAHARING URI
Oligarkiya200-300 families0.01%Control banks, utilities, land, monopolies
Malalaking may-ari ng lupa5,000 to 10,000 families0.02%Control large agricultural estates
Malaking burgesya/kapitalista50,000 individuals0.04%Large corporations, finance, conglomerates
Panggitnang burgesya (middle bourgeoisie)300,000 to 500,0000.4%Medium-scale capitalists sa regional manufacturing industries, logistics companies, medium construction firms, medium agribusiness. Naka-align sa malaking kapital o nasa patronage network ng gobyerno.

1. May unpaid family workers na 3 million at may 1 million na mga kapitalista (pwedeng sabihin na ang unpaid family workers if the family owns some business ay part ng petty bourgeoisie. Gayundin ang 1 million capitalists or entrepreneurs if they’re part of MSMEs.

2.Kaya ang buong uri sa Pilipinas ngayon ay 33 million ang manggagawa, 20 million ang semi-proletariat at 24 million ang bahagi ng dating tinatawag na Peasante – mga magsasaka, mangingisda, natitirang kasama/katiwala, at seasonal agricultural workers. Ang urban poor na nasa irregular survival economy ay nasa 12 million. They’re mostly semi-proletariat.

3. Ang petiburgesya o tinatawag na middle class (professionals, managers, small entrepreneurs, small property owners) ay nasa 12 to 15 million o 13% ng populasyon.

4. Sa naghaharing uri, ang oligarchy ay 0.01% ng populasyon. Ang malalaking may-ari ng lupa ay 0.02%. Ang malalaking burgesya-kapitalista ay 0.04%, mga 50,000 individuals. Ang panggitang burgesya ay mga 300,000 to 500,000, o nasa 0.4%.

Kumpara sa Russia noong 1917

1. Ang Russia noong 1917 ay mas maliit na bilang ng wage workers (10 million o 6% ng 150-170 million population*) pero konsentrado ito sa malalaking kompanya na may libu-libong manggagawa. Kaya overwhelmingly peasant ang Russia noon (80-85%).

2. Sa Pilipinas, ang manggagawa ay dispersed sa:

  • Micro (1-9 workers): 90% ng empresa
  • Small (10-99): 8-10%
  • Medium (100-199): 1-2%
  • Large (200+): less 1%

3. Gayunman, hindi nakasalalay sa simpleng bilang ang kapasidad ng proletaryado na mamuno, kundi sa antas ng organisasyon, kamulatan, at pampulitikang pamumuno.

(2) Laganap na kapitalistang produksyon at relasyon sa agrikultura at kanayunan.

1. Ang maraming dating pyudal o malapyudal na relasyon sa kanayunan ay natransporma sa kapitalistang anyo sa ilalim ng agri-business, contract-growing, lease-back, corporate farming, at corporate integrasyon sa export markets.

2. Hindi na simpleng landlord-tenant relation ang dominante, kundi ugnayan ng korporasyon, komersiyalisadong produksyon, at sahurang paggawa.

3. Maraming dating asyenda ang na-convert na ngayon sa building ng mga korporasyon, food processing, logistics, cold chains, at real estate industry. Nananatili ang monopolyang kontrol sa lupa sa kamay ng iilang pamilya, ngunit ang kanilang kita ay nakabatay na sa kapitalistang ground rent at agri-business profit kaysa sa lumang pyudal na renta sa ani.

4. Sa ganitong sistema, ang surplus value ay nililikha ng sahurang manggagawang agrikultural at inaangkin bilang tubo ng kapitalistang magsasaka o korporasyon; ang may-ari ng lupa naman ay pumaparte ng bahagi nito sa anyo ng ground rent.

(3) Gumagapang na urbanisasyon

TaonTotal Population (estimate)Urban Population% ng Urbanisasyon
197036 million12 million33%
199060 million29 million48%
2020109 million55–60 million51–55%
2025 (est.)115 million65 million56–60%

1. Kung noong 1970, 33% yung urbanized areas, ngayong 2025 nasa 50%, 60% na iyan. Mabilis ang paglawak ng urbanisasyon sa Pilipinas (mula 30% hanggang 60% na ngayon). Hindi ito simpleng pagdami ng tao sa lungsod, kundi bunga ng kumulasyon ng kapital, krisis sa agrikultura, land conversion, paglawak ng industrial zones, logistics hubs, at export processing zones.

2. Lumawak ang urban corridor gaya ng Calabarzon with the proliferation of industrial zones, kasabay ng paglaki ng bilang ng manggagawa, malaproletaryado, at urban poor.

3. Iba ang urbanisasyon sa Pilipinas kumpara sa klasikong industriyal na kapitalismo. Hindi manufacturing ang pangunahing humihila sa urban growth, kundi serbisyo, konstruksyon, real estate, impormal na hanapbuhay, at survival economy.

4. Kaya habang lumalaki ang mga lungsod, lumalalim din ang krisis sa pabahay, overcrowding, danger zones at informal settlements, at malawakang urban poverty.

5. Ang implikasyon nito ay lalong nahuhubog ang sentro ng pangmasang pakikibaka sa kalunsuran – sa hanay ng manggagawa, kabataan, at maralitang lungsod.

(4) Rentier capitalism ang dominanteng anyo ng kapitalismo sa bansa.

1. Ibig sabihin, ang pangunahing kita ng naghaharing uri ay hindi mula sa malawakang industrialisasyon at produktibong pamumuhunan, kundi esa kontrol sa assets, gaya ng lupa at real estate; bangko at finance, utilities at enerhiya, pagmimina, telecom, retail at iba pang monopoly sectors. Sa sistemang ito, higit na mahalaga ang renta, interes, monopoly profit at speculative gains kaysa sa paglikha ng bagong halaga sa pamamagitan ng industrial na produksyon.

2. Dahil dito, nananatiling makitid, hindi pantay at bulnerable ang paglago ng ekonomiya, at hindi ito nagbubunga ng matatag na pambansang industrialisasyon.

3. Bahagi nito ang klase ng conglomerates na itinatag ng oligarkiya. Ang pangunahing negosyo ay pagbabangko, real estate, mining, utilities, retail, telecom, energy, at mga gaya nito. Halimbawa:

  • SM Investment Corporation ng pamilyang Sy;
  • Ayala Corporation ng mga Ayala;
  • San Miguel Corporation ng grupo ni Ramon Ang;
  • JG Summit Holdings ng pamilyang Gokongwei;
  • At iba pa.

Kumpara sa Southeast Asian Economy

BansaShare ng Mfg. sa GDPMajor exports
Thailand26%Automobiles, electronics, food processing, petrochemicals, machinery (industrial manufacturing hub)
Malaysia23%Semiconductor packaging, electronics, petrochemicals, electrical equipment (electronics hub)
Indonesia19%Automotive manufacturing, textiles, food processing, mining and metal processing, electric vehicle battery production (mixed industrial-resource)
Vietnam25%Electronics, smartphones, textiles and garments, consumer electronics, assembly for global supply chains (industrializing export economy)
Philippines17%Services (dominant), BPO/outsourcing, semiconductor assembly, OFW remittances, construction, real estate, finance and property, mining, garments, furniture, basic electronics assembly (narrow and low-value manufacturing, rentier/service capitalism)

Kung ikumpara ang ating kapitalismo sa Southeast Asian economy – ang share ng manufacturing sa gross domestic product ng Pilipinas ang pinakamababa sa Southeast Asian economies. Thailand 26%, Malaysia 23%, Indonesia 19%, Vietnam 25%. Malaki ang Vietnam at nagiging major exporters ng mga mahalagang industriya na halos semi-processed or fully processed. Samantalang sa Pilipinas, ang anino ng kapitalismong iyan ay mga serbisyo, BPO outsourcing, semiconductor assembly, OFW remittances, construction, real estate, finance, etc.

(5) Mababang papel sa Global Value Chain of production

1. Bahagi ang Pilipinas ng pandaigdigang tanikala ng produksyon ngunit mababa ang posisyon nito. Karaniwang nating papel ay nasa low-value segments gaya ng assembly; testing; packaging; labor-intensive services; at agro-export processing.

2. Samantala, ang high-value activities sa semiconductor industry – research & development, design, fabrication, branding, finance, at global marketing – ay kontrolado ng mga abanteng imperyalistang bansa. Gayundin sa BPO at agro-exports.

3. Kaya kahit malaki ang export ang Pilipinas sa semiconductors (number 9 sa mundo), wala tayong fabrication plants na pinakamataas na segment ng value manufacturing stage ng semiconductors. Nananatili tayong nakakulong sa mababang bahagi ng value chain. Dito nagaganap ang hindi pantay na palitan ng halaga (value): mababang sahod, kaya mataas na value capture sa mga sentrong kapitalistang korporasyon.

Nasaan tayo sa Global Semiconductor Value Chain?

StageMga bansaActivityValue CapturePhilippine Role
1 & 5US, Japan, EU(1) Chip architecture & R&D, (5) Branding, marketingExtremely highNone
2Taiwan, Korea, USChip fabrication (fabs)Very highNone
3China, MalaysiaComponent manufacturingMediumLimited
4Philippines, VietnamAssembly, testing, packagingLow–mediumMajor role

Sumada: Ang Kapitalismo sa Pilipinas

1. Kapitalismo ang umiral sa Pilipinas ngunit hindi ito malaya, nakaugat, at industriyal na kapitalismo. Ito ay dependent, mahina ang industrial base, malakas ang rent extraction, at nakasandig sa serbisyo, remittances, real estate, finance, at low-value export integration. Nakagapos ito sa pandaigdigang kapital at imperyalistang dominasyon.

2. Hindi sapat ang lumang kategoryang “malapyudal” para ilarawan ang ganitong galaw ng ekonomiya ngayon.

V. Mga Debate sa Pambansang Demokrasya at Sosyalismo

Ang Moda sa Produksyon at Dalawang-Yugto ng Rebolusyon sa Pilipinas

1.Maaari lamang itong tukuying ‘malapyudal’ kung ilalagay ito sa combined & uneven development na nagaganap sa Global South dahil sa pagkakatali sa imperyalismo. May mga bahid ng pyudalismo, subalit nakakubabaw na ang kapitalismo bilang dominanteng moda sa produksyon.

2. Dahil hindi rin kompleto ang burgis-demokratikong rebolusyon sa Pilipinas., at burgis na demokrasya lamang ang naghahari sa interes ng oligarkiya, dinastiya, at mga elite:

Kailangan pa ang pambansa-demokratikong rebolusyon na magwawakas sa kontrol ng imperyalismo, natitirang labi ng pyudal at malapyudal na relasyon, at mga sentrong demokratikong mga tungkulin, gaya ng reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, demokrasya sa uring manggagawa, pagbasag sa kapangyarihan ng dinastiya, oligarkiya, at mga elite. Ang pambansang demokratikong rebolusyon ay nakatuon sa pagwawakas ng imperyalismo at ng mga labi ng pyudal at malapyudal na relasyon. Pagkompleto ito ng hindi natapos na burgis-demokratikong tungkulin.

3. At dapat pamunuan ito ng uring manggagawa, para magtuluy-tuloy sa pagwawakas ng kapitalismo, at pagwawakas ng mga uri at hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan sa ilalim ng Sosyalismo.

Multi-class ‘bloc of 4 classes’ o Gobyerno ng Masa

1. Hindi umaayon sa independiyenteng linya ng proletaryong rebolusyon ang konsepto ng gobyernong multi-class na kabilang ang pambansang burgesya o lokal na kapitalista. Kung nasa poder din sila, maaari nilang itali ang rebolusyon sa kompromiso at limitahan ang independiyenteng pulitika ng uring manggagawa.

2. Pag-aralan din natin ang Counter-Thesis 2 na sinulat ni Ka Popoy bilang kritik sa PPDR (Programa ng Pambansang Demokratikong Rebolusyon). Narito rin ang kritik a ‘bloc of four classes.’ Hindi sapat na sabihing ang programa ng PDR ay may “socialist perspective” lamang. Ang kailangan ay demokratikong rebolusyon MULA sa mismong perspektiba ng proletaryado.

3. Gaya nang panawagan ni Lenin na pagbubuo ng gobyerno ng manggagawa at magsasaka bilang ‘bagong tipo’ ng BDR, dapat ipagtagumpay at kompletuhin ang demokratikong mga tungkulin — reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, demokrasya, pagbasag sa kapangyarihan ng dinastiya, oligarkiya, trapo at imperyalismo – sa pamamagitan ng Gobyerno ng Masa na itutuloy ang rebolusyon tungong sosyalismo.

Implikasyon sa Estratehiya: Matagalang Digmang Bayan o Insureksyonaryong Pagkilos

1. Humihina ang batayan ng estratehiyang nakasentro sa matagalang digmang bayan mula sa kanayunan bilang pangunahing lunsaran ng rebolusyon.

2. Ang usapin ay hindi lamang pagkilala sa magsasaka bilang ‘motibong pwersa’ ng rebolusyon, kundi pagtitiyak na pagpapalakas ng kilusang magsasaka at hindi pagpapailalim nito sa armadong pakikibaka.

3. Ang paglaki ng proletaryado, malaproletaryado, urban poor, at paglawak ng urban areas sa bansa ay nangangailangan ng naiibang estratehikong linya. Ang rebolusyon ang pinakamataas na yugto ng makauring pakikibaka, na dapat ilugar sa sentro ng tunggaliang makauri ng malawak na uring manggagawa at ng mga naghaharing uri. Sa ngayon, nakalugar ito sa kung saan matatagpuan ang malawak na hanay ng uring manggagawa.

Kongklusyon

1. Ang pambansang demokratikong pakikibaka ay nananatiling mahalaga, ngunit bahagi ng proletaryong rebolusyon at hindi hiwalay dito.

2. Gaya nang panawagan ni Lenin na gobyerno ng manggagawa at magsasaka, ang ating panawagan ay pagtatayo ng Gobyerno ng Masa, gobyernong pinamumunuan ng manggagawa, maralita, malaproletaryo o mababang saray ng petiburgesya.

3. Ito ang tulay sa unang yugto ng demokratikong rebolusyon tungong sosyalistang rebolusyon. Ito ang gobyernong magkokompleto sa mga demokratikong tungkulin ng rebolusyon at magsusulong ng landas tungong sosyalismo.

4. Depende sa lakas ng uring manggagawa at sa pagtatayo ng Gobyerno ng Masa, maitutuluy-tuloy ang rebolusyong sosyalista para sa paglikha ng lipunang walang pagsasamantala, may pagkakapantay-pantay, at walang mga uri. #

Leave a comment