Rali ng PhilCuba, dinaluhan ng PLM

by Partido Lakas ng Masa via Facebook

Dumalo ang PLM contingent sa rali ng PhilCuba kaninang hapon, October 10, sa Boys Scout Monument sa T. Morato Avenue. Okasyon ito ng pagtutol sa tumitinding blokeyo ng U.S. at banta ng paglusob sa Cuba na inihayag ni U.S. President Donald Trump. Bitbit ng mga lider ng PLM ang mga streamer hinggil dito.

Gayundin ang ‘Sanction Israel, End the Genocide in Gaza’ dahil noong October 7 ang anibersaryo ng intensified genocide sa Gaza ng Zionist/Nazi state of Israel na suportado ng U.S. Nagsalita sa rali si PLM YS coordinator Khyl Ramos.

October 10, 2026

Leave a Reply