KAISA ANG PLM SA MALAWAKANG PAGKILOS SA SEPTEMBER 21

By Partido Lakas ng Masa via Facebook

Kaisa ang Partido Lakas ng Masa (PLM) sa malawakang pagkilos na magaganap sa September 21, 2026, bilang paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar.

Sa ginanap na press conference ngayong araw kasama ang Artikulo XI, ibinahagi ni PLM President Ka Leody de Guzman na walang pagbabagong makakamit kung patuloy na mga elite at political dynasties ang namumuno sa gobyerno, lalo na ang mga Marcos at Duterte.

Binigyang-diin naman ni PLM Chairperson Ka Sonny Melencio ang pangangailangan ng pagbabago sa sistema at pagsusulong ng isang gobyerno ng masa tungo sa isang sosyalistang Pilipinas.

Kasama ang PLM ng iba’t ibang sektor at kilusang masa sa panawagan na singilin at panagutin ang lahat ng sangkot sa korapsyon, at labanan ang sistemang nagpapalala sa katiwalian at kultura ng impunidad.

NEVER AGAIN, NEVER FORGET!

LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!

ILIGTAS ANG SAMBAYANAN!

IPAGLABAN ANG KASARINLAN, KABUHAYAN, KALIKASAN, AT KARAPATAN!

WAKASAN ANG ELITISTA’T DINASTIYANG PAGHAHARI!

BAGUHIN ANG SISTEMA, ITAYO ANG GOBYERNO NG MASA!

September 21, 2026

Leave a comment