Nakiisa ang PLM sa pagkilos hinggil sa krisis sa klima mula Liwasang Bonifacio tungo sa US Embassy.

By Partido Lakas ng Masa via Facebook

Nakiisa ang Partido Lakas ng Masa (PLM) sa pandaigdigang pagkilos laban sa mga mapaminsalang imperyalistang pwersa na nagpapalala sa krisis sa klima, ngayong 18 September 2026 mula Liwasang Bonifacio patungong US Embassy.

Sa gitna ng patung-patong na krisis, kailangang singilin, pagbayarin, at panagutin ang mga lumilikha at nagpapalala nito, mula sa gobyernong Marcos-Duterte at gobyerno ni Trump, hanggang sa mga naghaharing-uri sa Global North at mga dambuhalang kapitalista at korporasyong kasabwat nila.

Iginiit ng PLM ang pagpapaigting ng panawagan para sa system change, na malalimang pagbabagong tutuldok sa kapitalistang sistemang matagal nang sumisira sa daigdig at nagdudulot ng pagsasamantala, pang-aapi, at pagpapahirap sa masa, habang patuloy na inuuna ang tubo kaysa sa tao at kalikasan.

Malinaw para sa PLM na ang alternatibong sistema ay sosyalismo, na maglalagay ng kapangyarihang pampulitika at pang-ekonomiya sa kamay ng isang tunay na gobyerno ng masa.

Setyembre 18, 2026

Leave a comment