PLM Youth & Students: Lumalakas ang tinig ng kabataan!

PLM YS sa Moriones

By Partido Lakas ng Masa via Facebook

Matagumpay na isinagawa ng Partido Lakas ng Masa (PLM) ang serye ng youth organizing activities nitong linggo. Nabuo ang mga bagong pormasyon ng PLM Youth sa Baras, Rizal at sa Infoteck College of Arts and Sciences (ICAS) sa Antipolo, na nagbigay-daan sa mas malawak na partisipasyon ng kabataan sa mga usaping panlipunan at pakikibaka para sa pagbabago.

Kasabay nito, naitatag din ang PLM Youth sa Moriones, Tondo—isang inisyatiba na matagal nang plano ng yumaong Ka Giboy Adena, na nakikita ang kahalagahan ng pagbubuo ng hanay ng kabataan sa puso ng komunidad ng maralita. Ang katuparan ng planong ito ay patunay na ang kanyang diwa ay patuloy na gumagabay sa ating pagkilos.

Ang ganitong aktibidad ay nagpapaalala sa atin na ang kabataan ay hindi lamang kinabukasan, kundi kasalukuyang lakas ng kilusan. Isinasagisag din nito na sa gitna ng krisis sa ekonomiya, klima, at politika, ipinapakita ng kabataan na handa silang lumaban para sa hustisya, kapayapaan, at tunay na pagbabago.

August 15, 2026

Leave a comment