By Partido Lakas ng Masa via Facebook
Patuloy ang laban para sa dagdag sahod!
Kasalukuyang nagsasagawa ng picket ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa harap ng DOLE Intramuros upang ipaglaban ang ₱85 dagdag sahod na pansamantalang pinigil ng Pasig RTC sa pamamagitan ng isang Temporary Restraining Order (TRO). Ang TRO ay bunga ng petisyon ng ilang malalaking kumpanya na tumututol sa implementasyon ng bagong wage order, na naglalayong magbigay ng pinakamalaking umento sa kasaysayan ng NCR.

Dumalo ang delegasyon ng PLM Manila sa pagkilos na ito—hindi alintana ang bagyo, sapagkat walang mas makakapantay sa lakas ng pagkakaisa ng manggagawa at masa. Ang tunay na unos ay ang patuloy na pagsasamantala ng mga naghaharing-uri, at ang tanging sagot ay sama-samang paglaban.
TOLENTINO-BBM BUDOL-BUDOL SA MANGGAGAWA!
P85 DAGDAG SAHOD IPATUPAD, NGAYON NA!
SAHOD NA NAKABUBUHAY, IPAGLABAN!
URING MANGGAGAWA!
HUKBONG MAPAGPALAYA!
August 13, 2026
