Dumalo ang PLM Urban Poor Committee at mga PLM chapters sa Marala, Moriones, at Smokey Mountain sa public hearing para sa ipinapanukalang Waste-to-Energy (WTE) incineration facility sa Tondo, Manila.

By Partido Lakas ng Masa via Facebook

Kasama ang Manila Anti-Incinerator Alliance, ipinahayag ng PLM ang mariing pagtutol sa proyektong WTE bilang huwad na solusyon sa krisis sa basura at pagbaha. Ang insinerasyon ay nagdudulot ng malalang polusyon, panganib sa kalusugan, at dagdag na pasanin sa mga komunidad na higit nang apektado ng krisis sa klima.

Mas nakababahala na mismong DENR ang isa sa mga nagtutulak nito, habang patuloy namang nanganganib ang mga komunidad ng Tondo sa sunog-demolisyon at sapilitang pagpapalayas. Sa halip na protektahan ang pampublikong lupa at karapatan ng maralita, muling inuuna ng gobyerno ang interes ng mga kapitalista at malalaking negosyo.

Kaya’t malinaw ang panawagan ng mamamayan: ibasura ang WTE sa Tondo at ipagtanggol ang Smokey Mountain bilang lupa para sa mamamayan! DENR, huwag mag-isyu ng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa Manila Integrated Environment Corporation!

Lupa, pabahay, at kabuhayan, ipaglaban!

Serbisyo sa tao, huwag gawing negosyo!

September 7, 2026

Leave a comment