Pahayag ng Partido Lakas ng Masa Sa Impeachment Case ni Sara Duterte

By: Partido Lakas ng Masa via Facebook

Ang impeachment laban kay Sara Duterte ay hindi tunay na hakbang tungo sa hustisya, kundi isang ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฎ. Totoo na may pananagutan si Duterte sa mga kasong korapsyon at kapabayaan, ngunit hindi siya nag-iisa. ๐—ž๐—ฎs๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—๐—ฟ. ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐˜โ€”sapagkat sa ilalim ng kanyang pamumuno, lalong lumala ang krisis sa ekonomiya, pamamahala, at katiwalian.

Bilyon-bilyon din na programa sa flood control projects ang nawaldas, hindi lamang sa panahon ni Duterte kundi laluna sa administrasyong Marcos. Bukod pa ang may P15.8 billion na allocable funds sa distrito mismo ni Marcos at ang unprogrammed appropriations na P807.2 billion o pinakamalaki noong 2023, at nagpatuloy hanggang sa taong ito. Ang unprogrammed appropriations ay halos nasa diskarte ni Pangulong Marcos kung paano ang alokasyon.

Sa impeachment plan kay Duterte, paano magiging makabuluhan ang proseso kung ang mismong Kongreso ay puno ng mga tiwaling pulitiko? Alam ng lahat na sangkot sa mga anomalya ng corruption si Chiz Escudero, Joel Villanueva, Mark Villar, Erwin Tulfo, Imee Marcos, Bong Go, Allan Peter Cayetano, Ping Lacson, at iba pa.

Sina Escudero, Villanueva, Mark Villar, at Erwin Tulfo ay sangkot sa bilyun-bilyon pisong corruption scandal sa isyu ng flood control projects at may mga testigo laban sa kanila. Liban sa kanila:

โ€ข Si Imee ay matagal nang sangkot sa anomalya sa 66.45 milyong tobacco excise funds ng Ilocos Norte at may dating rekomendasyon sa Kamara na sampahan siya ng mga kaso. Huwag nang isama pa ang ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos na hanggang ngayon ay hindi inaamin pero pinakikinabangan nila.

โ€ข Si Bong Go ay sangkot sa kontrata ng gobyerno na inaward ng Duterte administration galing sa DPWH. May plunder at graft complaints sa DOJ laban sa kanya.

โ€ข Si Allan Cayetano ay sangkat sa P50 milyong โ€˜kalderoโ€™ issue sa SEA Games noong 2019, bukod pa sa mga isyu ng maanomalyang procurement at city projects sa Taguig.

โ€ข Isyu ni Cayetano kina Ping Lacson at Erwin Tulfo kung paano lomobo ang kanilang SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth) na naging P245 milyon para kay Lacson, at P497 milyon kay Erwin Tulfo noong 2025. Mahirap itong ipaliwanag sa kita lamang sa negosyo ni Lacson at ni Erwin. Kamangha-mangha na pwedeng kumita ng milyon-milyon sa isang taon sa real estate at journalism project!

Anuโ€™t anuman, may milagro sa lahat ng ito. Ang pagsusuri sa corruption ay dapat alinsunod sa panuntunan ni Julius Caesar: โ€œCaesarโ€™s wife must be above suspicion.โ€ Malayang salin: ang asawa ng emperor ay hindi dapat madungisan ng katiwalian.

Panuntunan ito laluna sa gobyerno. Wala dapat anumang hinala ng katiwalian ang nag-iimbestiga sa katiwalaan. Subalit ito ang nagaganap ngayon sa Senado.

Maliwanag na hindi sila makapag-aastang tagapaghatid ng hustisya. Sa halip na magsilbi sa bayan, lalo lamang nilang inilalantad na ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ. Ang impeachment ay nagiging drama, ginagawang palabas ang demokrasya, at ginagamit para protektahan ang interes ng naghaharing-uri.

Dagdag insulto pa, hinayaan nilang makalabas si Sara Duterte sa ibang habang ito ay iniimbestigahan. Ginagawang biro ang impeachment, at pinapakita na walang tunay na pananagutan sa ilalim ng kasalukuyang sistema. Ang mensahe nito sa masa ay malinaw: ang batas ay para lamang sa mahihirap, habang ang mga nasa kapangyarihan ay ligtas at malaya.

Dapat ding kondenahin sa si Robin Padilla sa mga ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด sa gitna ng seryosong usapin na buhay-at-kamatayan ang epekto sa masa kung hindi mapatitigil ang mga korap.

Ang kanilang asal ay patunay na ang Kongreso ay hindi maaasahan bilang tunay na tagapaghatid ng hustisya, kundi tagapagtanggol ng sariling interes.

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜“๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ:

โ€ข Kailangan ng ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ถ๐—ป๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฟ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป na hiwalay sa Kongreso. Dapat gawin ito dahil hindi maaaring mag-imbestiga ang mga korap ng kapwa korap.

โ€ข Dapat isama sa imbestigasyon ang impact ng mga korap na aktibidad na ito dahil kapalit ng mga kinurakot ay ang pagkaltas sa mga serbisyong panlipunan gaya ng pabahay, kalusugan, pagpapababa ng presyo ng bilihin, paglikha ng maraming trabaho, at iba pang mga proyekto.

โ€ข Hindi lamang dapat managot ang mga korap sa pamamagitan ng pagpapakulong sa kanilang lahat, kundi dapat bawiin ang pondong ninakaw at ilagay sa mga serbisyo sa masa.

Ating tandaan na ang impeachment case laban kay Sara Duterte ay nagsisilbing salamin ng bulok na sistema. Hindi sapat na siya lamang ang panagutin. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฑ๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—๐—ฟ. ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด-๐˜‚๐—ฟ๐—ถ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป. Ang tunay na hustisya ay hindi manggagaling sa Kongreso, kundi sa sama-samang pagkilos ng mamamayan para sa isang gobyernong makamasang nakaugat sa hustisya, pagkakapantay-pantay, at sariling pagpapasya ng bayan.

๐™‡๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™ค๐™ฉ, ๐™™๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ค๐™ฉ!

๐™ˆ๐™–๐™ง๐™˜๐™ค๐™จ-๐˜ฟ๐™ช๐™ฉ๐™š๐™ง๐™ฉ๐™š, ๐™ฌ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™œ-๐™ž๐™—๐™–!

July 24, 2026

Leave a comment