Hindi SONA ng Pag-unlad, kundi SONA ng Panlilinlang!

By: Partido Lakas ng Masa (PLM) via Facebook

Sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., muli na namang maririnig ang mga pangakong “pag-unlad” at “unity.” Ngunit sa likod ng magarang talumpati, nananatiling totoo ang krisis na araw-araw na kinakaharap ng mamamayan: mataas na presyo ng bilihin, kakulangan sa trabaho, mababang pasahod, krisis sa kalusugan, at pagkasira ng kalikasan.

Habang nagbabanggaan ang mga dinastiya—Marcos laban sa Duterte—ang masa ang tuloy-tuloy na dumudugo. Ang SONA ay nagiging entablado ng mga trapo para sa sariling interes, hindi para sa tunay na kapakanan ng sambayanan.

Panawagan ng Partido Lakas ng Masa:

• Ibasura ang pamamayani ng mga dinastiya at trapo na patuloy na nagbubulsa ng yaman ng bayan.

• Itaguyod ang GobyerNo ng Masa na nakaugat sa hustisya, karapatan, at pagkakapantay-pantay.

• Ipaglaban ang tunay na industriyalisasyon na nakabatay sa pangangailangan ng mamamayan, hindi sa dikta ng dayuhan o ng iilang elite.

• Itaas ang sahod, tiyakin ang trabaho, at palawakin ang serbisyong panlipunan para sa lahat.

• Sama-sama nating buuin ang alternatibong programa ng masa laban sa pekeng SONA ng mga naghaharing-uri.

𝗔𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗹𝘂𝗺𝗽𝗮𝘁𝗶 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘂𝗹𝗼, 𝗸𝘂𝗻𝗱𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻.

#SONAngPanlilinlang

#PartidoLakasNgMasa

#TinigNgMasa

#GobyernoNgMasa

July 16, 2026

Leave a comment