IMPERYALISMO, KRISIS, GYERA AT ANG PAKIKIBAKA PARA SA SOSYALISMO

IMPERYALISMO, KRISIS, GYERA AT ANG PAKIKIBAKA PARA SA SOSYALISMO

Ni Sonny Melencio

I. Balik-aral sa Imperyalismo mula sa akdang Imperialism, the Highest Stage of Capitalism

1. Isinulat ni Vladimir Lenin ang Imperialism, The Highest Stage of Capitalism noong Enero-Hunyo 1916, sa gitna ng Unang Digmaang Pandaigdig (World War I) – ang kauna-unahang imperyalistang gyera sa pandaigdigang saklaw. Isa itong digmaan sa pagitan ng mga bansang bumubuo ng Allied Powers (France, UK, Russia, Italy, U.S., Japan, atbp.) at ng Central Powers (Germany, Austria-Hungary, Ottoman Empire, Bulgaria, atbp.). 

2. Layunin ni Lenin na ipaliwanag ang esensya at lohika ng imperyalismo. Ani Lenin, ang imperyalismo ay hindi lamang isang pampulitikang aksyon ng pananakop at pang-aapi sa mga bansa ng Global South. Hindi ito simpleng geopolitical strategy o patakarang panlabas ng mga makapangyarihang estado. 

3. Naiiba ang ‘modernong imperyalismo’ ni Lenin sa mga umiral na anyo ng ‘imperyalismo o imperyal na paghahari bago ang kapitalismo (gaya ng Roman Empire). Ayon kay Lenin:

“Colonial policy and imperialism existed before the latest stage of capitalism, and even

before capitalism. Rome, founded on slavery, pursued a colonial policy and practiced

imperialism. But “general” disquisitions on imperialism, which ignore, or put into the

background, the fundamental difference between socio-economic formations, inevitably

turn into the most vapid banality or bragging, like the comparison: ‘Greater Rome and

Greater Britain.’ Even the capitalist colonial policy of previous stages of capitalism is

essentially different from the colonial policy of finance capital.”

4. Nakabatay ang imperyalismo sa isang tiyak at makasaysayang yugto ng kapitalismo na tinatawag na yugto ng monopolyo-kapitalismo. Nag-uugat ito sa interes ng mga korporasyon at ng kanilang mga bansang nakikinabang sa sistema ng pagsasamantala at pang-aapi sa iba pang mga bayan. 

5. Gayunman, ipinakita ni Lenin na ang imperyalismo ay hindi paglakas ng kapitalismo, kundi palatandaan ng pagkaagnas ng pandaigdigang sistema ng kapitalismo, na kasabay nito ay lumilikha ng materyal na kondisyon para sa sosyalistang rebolusyon. 

Ang limang katangian ng imperyalismo

1. Ayon kay Lenin, ito ang limang katangian ng ‘modernong’ imperyalismo: 

(1) Ang konsentrasyon at sentralisasyon ng produksyon ay tumungo sa pagkakabuo ng mga monopolyo, ng ilang higanteng korporasyon at kartel na nangingibabaw sa mga susing industriya. 

  • Sa panahong ito, ang “malayang kompetisyon” sa ilalim ng kapitalismo ay naging salita na lamang. Sa akda, inihalimbawa ni Lenin ang German steel at coal cartel; ang Standard Oil, U.S. Railroad Trusts, at U.S. Steel cartel.

(2) Ang pagsasanib ng kapital ng bangko at Industriya na bumuo ng finance capital at financial oligarchy. 

  • Halimbawa ang mga higanteng German banks, gaya ng Deutsche Bank, Dresdner Bank, atbp. Sa U.S. ay ang investment banks ni J. P. Morgan na kaalyado ng U.S. Steel. Ang mekanismo ng pagsasanib ay sa pamamagitan ng interlocking directorates na nakaupo ang mga direktor ng bangko sa mga industrial board. 

(3) Ang pagluluwas ng kapital, at hindi na lamang mga produkto. Dahil lumiliit ang tubo sa sariling bansa, iniluluwas ang kapital tungo sa mga rehiyong may murang pasahod, hilaw na sangkap, at mas mataas na tubo. 

  • Halimbawa ang pag-invest ng Britain sa perokaril ng India at Latin America, sa minahan sa Africa, at mga plantasyon sa iba pa nitong kolonya. Kahit mahina ang industriya, ang France ay nagluwas ng kapital sa Russia (sa anyo ng state loans), sa Balkans, at iba pang kolonya. Ang Germany naman ay sa Ottoman Empire (sa Baghdad Railway), Africa, at Eastern Europe.

(4) Pagsulpot ng mga pandaigdigang monopolistang kartel. HInati-hati ng mga higanteng kapitalista sa mayayamang bansa ang mga merkado, likas-yaman, at nagmarka ng spheres of influence sa iba’t ibang panig ng mundo. 

  • Hlimbawa ang paghahati ng steel, oil, at shipping markets. May international steel cartel ang mga imperyalistang bansang German, British, French, at United States. May international zinc cartel din ang Germany, Belgium, at France. 

(5) Nagkaroon ng teritoryal na hatian ng daigdig sa pagitan ng malalaking kapangyarihan. Sa unang bahagi ng ika-20 siglo, ang mundo ay lubos nang nahati sa hanay ng mga imperyalistang bansa. Maaari lamang ang pagpapalawak kung magkakaroon ng muling hatian o rebisyon, kaya’t ang digmaan ay di-maiiwasan. 

  • Halimbawa ang Africa na halos naging malaking kolonya, ang Latin America ay nasa impormal na kontrol naman ng financial imperialism. Ang Britain ang may pinakamalaking Emperyo (bahagi nito ang India, malaking bahagi ng Africa, at ang mga estratehikong rutang pandagat). May mga kolonya ang France sa Africa at Asia. Kahit humahabol pa lamang noon ang industrial development ng Germany, may mga kolonya rin itong nasaklaw. Sa panahong iyon, ang Pilipinas ay kolonya na ng United States.

II. Pagsulong ng Imperyalismo

A. Merchant Capitalism (mula ika-15 hanggang ika-18 siglo):

1. Ito ang panahon ng tinatawag na Komersyanteng Kapitalismo (Merchant Capitalism). Hindi pa batay sa industriya ang merchant capital. Ang tubo ay nanggagaling sa tubo sa komersyo – pagbili ng mura, pagbenta ng mahal; hindi pa sa sistematikong pagkuha ng surplus value sa mga sahurang manggagawa sa pabrika. 

2. Dumaan ito sa tinatawag ni Marx na “primitibong akumulasyon ng yaman” sa pamamagitan ng hayag na pandarambong, pang-aalipin, pag-agaw ng mga lupain, at marahas na pananakop. 

3. Ang pangongolonya ay paraan sa pagkuha ng ginto, pilak, spices, at alipin – hindi pa pagpapalawak ng “industrial markets.” Ang kolonya noon ay kontrolado politically at militarily, at hindi pa ganap na integrated sa kapitalistang produksiyon ng sentrong emperyo o syudad. 

4. Ito’y nagaganap sa pandarahas ng mga estado sa anyo ng monarkiya at kontrol ng hukbong-dagat (naval power). Mga halimbawa nito ang malawakang pamimirata at pandarambong ng Spain sa Americas; ng British at Dutch trading companies; at trans-Atlantic slave trade. 

5. Bilang resulta ng primitibong akumulasyon, inilatag ng yugtong ito ang mga batayan para sa pagtatayo ng industriyal na kapitalismo. Naganap ito sa pagtitipon ng dambuhalang yaman mula sa pandarambong para itayo ang mga industriya. Kasabay nito, “pinalaya” ang mga pesante sa lupa (sa pamamagitan ng enclosure at dispossession) upang maging murang lakas-paggawa sa industriya. 

B. Kapitalismong Industriyal (huling bahagi ng ika-18 hanggang kalagitnaan ng ika-19 siglo)

1. Sa panahong ito, sumulong ang Industrial Revolution sa Europe (pangunahin sa Britain), umusbong ang mga pabrika, at produksyon sa maramihang paggawa. 

2. Panahon ito ng kapitalismo sa anyo ng malayang kompetisyon (“free-competition capitalism”). Nabuo ang maraming empresa na nagkompitensya sa isa’t isa; at wala pang ganap na dominasyon ng monopolyo. 

3. Panahon din ito ng tinatawag na Klasikong Kolonyalismo. Ito ang pangongolonya para kontrolin ang mga sources ng hilaw na sangkap at bahain ang kolonyal na merkado ng produktong manupaktura ng mauunlad na bayan. 

4. Pinopromote ang ideya ng “free trade,” pero sa likod nito ay ang di-pantay na palitan (“unequal exchange”). Ibig sabihin, ang produktong galing sa murang paggawa sa kolonya/mala-kolonya (na kumakatawan sa mas malaking oras ng paggawa at surplus value) ay ipinagpapalit sa produktong galing sa metropoles (na kumakatawan sa mas maliit na oras ng paggawa at surplus value). 

  • Kongkretong larawan: ang manggagawang Pilipino sa electronics assembly ay kumikita ng maliit na bahagi ng sahod ng manggagawa sa U.S., pero ang produkto ay ibinebenta sa presyong itinakda sa sentrong merkado, kaya ang tubo at surplus value ay umaagos palabas – kahit tawagin pa itong “free trade.” 

5. Sa papel ng yugtong ito sa kasaysayan: Naghanap ang kapital ng suplay ng hilaw na sangkap at bagong merkado. Lumalim ang kolonyal na paghahari para protektahan ang ruta ng kalakalan, ng hilaw na sangkap, at merkado. Sa loob mismo ng ‘malayang’ kompetisyon, sumibol ang kontradiksyon ng krisis ng overproduction – na nagtulak sa pag-igting pa ng kompetisyon at sa kalaunan ay konsentrasyon ng kapital sa iilang empresa. 

C. Klasikal na Imperyalismo sa Panahon ni Lenin (huling ika-19 hanggang maagang ika-20 siglo)

1. Dito umabot ang kapitalismo sa yugto ng monopolyo-kapitalismo – ang batayan ng modernong imperyalismo. 

2. Umiral ang limang katangian ng imperyalismo sa pandaigdigang saklaw: konsentrasyon ng produksyon → monopolyo; pagsanib ng kapital ng bangko at industriya → finance capital at financial oligarchy; pagluluwas ng kapital (hindi lang produkto); pagkakatayo ng pandaigdigang monopolistang kartel → paghahati ng merkado at rekurso; at teritoryal na paghahati ng daigdig → inter-imperialist rivalry at digmaan.

3. Ang historical logic ng yugtong ito ay kinakatawan ng: 

  • pagbagsak ng tubo sa loob ng metropoles o sentrong bansa; 
  • pangangailangang iluwas ang kapital sa mga lugar na may murang pasahod, mahinang regulasyon sa kalakalan at industriya, at may mas mataas na tubo. Ang kolonya at mala-kolonya ang nagiging espasyo ng pamumuhunan at sobrang-pagsasamantala (super-exploitation). 
  • Lahat ito ay tumungo sa direktang kolonyal na paghahari at tunggaliang imperyalista na humantong sa mga digmaang pandaigdig. 

Ang Panahon ng mga Digmaang Pandaigdig

1. Ito ang panahon ng dalawang digmaang pandaigdig at malalaking pagputok ng krisis gaya ng Great Depression (1929-1939) o krisis ng resesyon na umapekto sa mayayamang industrial na bansa gaya ng U.S., United Kingdom, at Germany. Nalantad ang limitasyon at pagkabulok ng monopolyo-kapitalismo. 

2. Nangangailangan ng inter-imperialist redivision o muling paghahati ng daigdig sa pamamagitan ng digmaan. 

World War I

1. Ang naglabang mga bansa: Triple Entente ng Britain, France, at Russia. Central Powers ng Germany, Austria-Hungary, at Ottoman Empire. Ang daigdig ay nahati na sa mga emperyo, at ang mga bagong kapangyarihan ay makapagpapalawak lamang kapag na-redivide ang mga teritoryo sa pamamagitan ng gyera. Ganito ang layunin ng Germany at Japan.

  • British Empire: sa Asia – India (kasama ang ngayo’y Pakistan at Bangladesh); Myanmar (Burma); Malaysia (Malaya); Singapore; Sri Lanka (Ceylon), Hong Kong, Aden (Yemen); sa Africa – Sudan, Kenya, Uganda, Nigeria, Ghana (Gold Coast), South Africa, Zimbabwe (Rhodesia), Zambia, Botswana; sa Middle East – Egypt (protectorate), Iraq, Palestine, Jordan; sa Americas – Canada, Jamaica, Belize, Guyana; Oceania – Australia, New Zealand, Fiji, Papua New Guinea.
  • French Colonial Empire: Africa – Algeria, Tunisia, Morocco, Senegal, Mali, Niger, Chad, Madagascar, Ivory Coast, Burkina Faso, Benin, Central African Republic, Gabon, Republic of Congo; Asia – Vietnam, Laos, Cambodia; Pacific – New Caledonia, French Polynesia.
  • German Empire (late imperial power, gaining colonies after 1880): Africa – Namibia, Tanzania, Cameroon, Tongo; Pacific – PNG (part), Marshall Islands, Micronesia, Samoa (part).
  • Belgian Empire: Africa – Belgian Congo.
  • Dutch Empire: Asia – Suriname, Caribbean Islands (Aruba, Curacao), Indonesia
  • Portuguese Empire: Africa – Angola, Mozambique, Guineau-Bissau, Cape Verde, Sao Tome and Principe; Asia – Macau, East Timor
  • United States: Philippines, Puerto Rico, Guam, Cuba (protectorate), Hawaii (annexed)
  • Japan: Korea, Taiwan, Manchura (later occupation)

2. Sino ang nakinabang na mga bansa? 

  • United States na pumasok sa gyera noong huling bahagi ng WWI (1917). Nakinabang ito dahil ito ang naging pinakamalaking creditor o nagpapautang sa panahon ng digmaan, at  naging leading industrial at financial power.
  • Japan na inagaw ang mga kolonya ng Germany sa China at Pacific at nagpalawak ng impluwensiya sa East Asia.
  • Britain & France (partial gains). Umagaw ng mga teritoryo ng natalong emperyo ang France, partikular sa Middle East (Iraq, Syria, Lebanon, Palestine). Pero economically weakened at heavily indebted sila.

3. Mga natalong bansa:

  • Germany. Nawala lahat ng mga kolonya nito. Napwersang pumirma sa Treaty of Versailles (1919) na nagbayad ng massive reparations sa Triple Entente. Ito ang basehan ng pagsulpot ni Adolf Hitler.
  • Austria-Hungary. Nabuwag ito at nahati sa maraming nation-states (Austria, Hungary, Czechoslovakia, Yugoslavia).
  • Ottoman Empire. Nabuwag din ito at nawala ang kanyang Arab territories.
  • Russian Empire. Ang gyera ay nagpasiklab ng Russian Revolution noong 1917. Naibagsak ang Tsarismo at naitayo ang kauna-unahang gobyerno ng manggagawa sa pangunguna ni Lenin at ng mga Bolsheviks.

Ang pananakop ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas 

1. Nagdeklara ang United States ng gyera laban sa Spain noong 1898 (tinawag na Spanish-American War) para kunin ang mga kolonya nito sa disenyo ng imperyalistang hatian ng mundo. Inagaw ang Pilipinas sa gawa-gawang laban (mock battle) sa Manila Bay noong August 13, 1898. Simulated battle ito para i-transfer ang kontrol ng Manila mula sa mga Kastila tungong Amerikano. Siniguro nito na hindi makasama sa pag-agaw ng kapangyarihan ang Rebolusyonaryong Hukbo ng Pilipinas na pinamumunuan noon ng presidente ng Republikang Pilipino na si Emilio Aguinaldo. 

2. Naganap ang pormal na transfer ng Pilipinas sa U.S. bilang kolonya sa ilalim ng Treaty of Paris noong December 10, 1898 kapalit ng $20 milyon na kabayaran sa Spain. (Kasama sa treaty ang direktang transfer sa U.S. ng Puerto Rico at Guam, at pagiging protectorate ng Cuba sa ilalim ng U.S.). Hindi pinalahok ang mga rebolusyonaryong pinuno sa ilalim ng idineklarang Unang Republika ni Emilio Aguinaldo noon ng June 12, 1898. 

3. Nagkaroon ng “Philippine-American War” (1899-1902), kung saan malawakang dinahas at dinurog ang pwersang rebolusyonaryo ng Unang Republika. Daan-daang libo ring mga sibilyang Pilipino – bata, matanda, lalaki, babae – ang pinaslang at winasak ang maraming mga lugar. Nagkaroon ng pakikidigmang gerilya ang mga Pilpino na nagtagal nang mahabang panahon. Ang yugtong ito ay kolonyal na pananakop ng U.S. sa pamamagitan ng okupasyong militar.

4. Nag-impose ang U.S. ng Amerikanong governor general sa bansa bilang namumuno. Sa ilalim nito, itinayo ang Philippine Commission, na naging Philippine Assembly noong 1907. Nagkaroon ng Commonwealth Period noong 1935-1941 na ‘preparasyon’ sa pagiging independyente ng Pilipinas. Si Manuel L. Quezon ang naging presidente nito. Sa yugtong ito, pinatibay pa rin ng U.S. ang kontrol sa Pilipinas sa pamamagitan ng kontrol sa foreign policy, pagtatayo ng U.S. military bases, at pagsusulong ng kolonyal na relasyon sa ekonomiya.

5. Nangako ang U.S. ng independence sa bansa dahil sa tuluy-tuloy na kampanya at mobilisasyon ng mga Piipinong lider at iba’t ibang partido (kasama ang bagong-tayong Partido Komunista ng Pilipinas noong 1930) hanggang sa United States. Itinakda ng independence sa 1946, pero nauntol ito dahil sa pagputok ng WWII at pananakop ng Japan sa Pilipinas.

6. Inihugis ang ekonomiya ng Pilipinas sa anyo ng dependent export economy sa U.S. Hinadlangan nito ang pambansang industrialisasyon at inilublob ang bansa sa economic dependency. Ang mga pangunahing katangian nito ay:

  • Export ng hilaw na sangkap sa U.S. (asukal, kopra, abaka)
  • Import ng yaring produkto mula sa U.S. 
  • Pagkontrol sa kalakalan sa pamamagitan ng preferential trade agreements.

World War II (1939-1945)

1. Ito ay imperialist o inter-imperialist war din sa mga naglalabang capitalist powers para sa global domination, kolonya, resources, at merkado. Pero may kakambal na katangian din ito. Isinulong rin ito bilang gyera laban sa pasismo, laluna matapos ang paglusob sa Europe, Soviet Union, at ang pagpasok ng United States.

2. Ang Axis Powers na gustong i-redivide ang kaayusang pandaigdig na ibinunga ng Treaty of Versailles: Germany, Japan, Italy. Ito ang mga sumusunod:

  • Nazi Germany (under Adolf Hitler): nag-expand muna sa Eastern Europe (Chechoslovakia, Poland tungong France, pagkatapos ay planong pagsakop sa Soviet Union)
  • Imperial Japan (uder Hirohito): sumakop sa China, Philippines, Indonesia, Malaysia, Vietnam.
  • Fascist Italy (under Benito Mussolini): nanakop sa Ethiopia at Albania.

3. Ang Alied Powers ay binuo ng sumusunod:

  • United Kingdom
  • France
  • United States (sumama sa gyera matapos bombahin ng Japan ang Pearl Harbor)
  • Soviet Union (pinilit sakupin ng Germany sa Operation Barbarossa; nabigo ito dahil sa pagkilos ng milyon-milyong mamamayang Russian)

4. Ang resulta ng World War I sa mga naglabang imperyalistang bansa: 

  • Ang Germany, Japan, at Italy ay natalo sa gyera at nabuwag ang kanilang mga emperyo. 
  • Ang U.S. ay naging pangunahing global economic at military power. Nagtayo ng mga U.S. bases sa labas ng bansa (Germany, Japan, Philippines, etc.). 
  • Ang Soviet Union ay nagkaroon ng paglawak sa Eastern Europe at naging isang superpower na karibal ng U.S.

5. Ang resulta sa mga kolonya: 

  • Pagsulong ng pambansang kilusang mapagpalaya (national liberation movements). Sa Asia, nagwakas ang Japanese occupation noong 1945, pero nagpatuloy ang NLMs. Lumaya ang China at itinayo ang rebolusyonaryong estado nito noong 1949 na pinamunuan nina Mao Zedong. Tumakas ang Nationalist government ni Chiang Kaishek sa Taiwan, isang probinsya ng China. Lumaya ang Vietnam, pero nahati sa North (pinamunuan ni Ho Chi Minh) at South (papet ng U.S.). Gayundin ang Korea (North Korea sa pamumuno ni Kim Il Sung; South Korea sa pamumuno ng papet ng U.S.

6. Sa panahon ng Japanese occupation sa Pilipinas noong WWII, nabuo ang Hukbalahap sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP-1930) na nagpalaya ng maraming lugar at probinsya bago pumasok muli ang hukbo ng U.S. 

7. Nagkaloob ang U.S. ng pormal, pero huwad, na kalayaan sa Pilipinas noong 1946, kapalit ng maraming kasunduan sa ekonomiya at militar na nagpapanatili ng neokolonyal na kaayusan. 

II. Post-WWII Reconstruction 

1. Ang reorganisasyon sa ilalim ng imperyalismong Amerikano:

  • Hinati ang Germany sa West (kapitalista) at East Germany (sosyalistat)
  • Inokupa ng U.S. ang Japan, nagtayo ng U.S. military base sa Okinawa, at nagkaroon ng mga reporma sa konstitusyon, land reform, at industrial rebuilding. 
  • Itinayo ang Western alliance ng NATO (North Atlantic Treaty Organization, 1949) sa pangunguna ng U.S.
  • Itinayo ang Socialist alliance ng Warsaw Pact (1955) sa pangunguna ng Soviet Union.

2. Inillunsad ng U.S. ang rekonstruksyong pang-ekonomiya: 

  • Ang Marshall Plan (1948-1952) para sa Western Europe (France, West Germany, Italy, UK, Netherlands) na nagkaloob ng may $13 billion aid para itayo ang mga nawasak na imprastruktura, pabrika, at transportasyon. Binuhay ang currencies at trading. Na-integrate ang Western Europe sa U.S.-led capitalist economic system.
  • Tinawag ang yugtong ito ng economic reconstruction na “Golden Age of Capitalism”. Ang key features nito ay expansion ng welfare states sa Europe, ang paglago ng global trade, at industrial expansion ng Japan at Western Europe.

3. Itinayong mga global institutions:

  • United Nations (1945);
  • Bretton Woods System (1944): Nagtatag ng international monetary at financial system na nakabatay sa U.S. dollar at ginto (convertability ng gold sa dolyar). Dahil ang U.S. ang may pinakamalaking reserba ng ginto sa mundo, ang dolyar ang naging pangunahing currency sa kalakalan. (Noong 1970, dahil sa gyera sa Vietnam, winakasan ang conversion ng dollar sa ginto.) 
  • Itinayo rin ng Bretton Woods system ang IMF-WB at ang global trade framework s ilalim ng General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) na WTO na ngayon.

4. Mahabang panahon ng Cold War sa pagitan ng U.S at Soviet Union, Nagwakas ito sa pagkalusaw ng Soviet Union noong huling bahagi ng 1990s.

Ang Neokolonyal na Sistema ng Imperyalismo (1945 hanggang 1970s)

1. Matapos ang WWII, humarap ang imperyalismo sa pagbugso ng mga mapagpalayang kilusan. Upang pigilan ang rebolusyonaryong pagsiklab: 

• Nagbigay ng pormal na “kalayaan” sa maraming kolonya, pero hindi ito tunay na soberanya. 

• Pinanatili ang kontrol sa pamamagitan ng: IMF–World Bank at iba pang multilateral na mekanismo; “tulong” at pautang; mga kasunduang pangkalakalan; pagtatayo ng military bases; at kudeta at regime change kung kinakailangan. 

2. Nabuo ang mga local na elite: mga lokal na burgesya, komprador, at burukrata na humawak ng gobyerno at kasapakat ng imperyalistang paghahari. 

3. Ang direktang kolonyal na paghahari ay napalitan ng dominasyong pang-ekonomiya at pampulitika. Ang mga estadong nasa periphery o mababang bahagdan ng global na kapitalismo ay na-integrate sa global imperialist system sa pamamagitan ng di-pantay na relasyon. Kaya tuloy-tuloy ang underdevelopment at deindustrialization ng mga bansa sa Global South. 

IV. Neoliberal at Globalized na Imperyalismo (1980s onwards)

1. Mula 1980s, mas pinaigting ang imperyalistang dominasyon sa pamamagitan ng neoliberal na restructuring ng kapitalismo sa anyo ng sumusunod: praybatisasyon, deregulasyon ng mga industriya, austerity, debt dependency, financial speculation, at pag-urong ng estado sa serbisyong panlipunan. 

2. Lumaganap na neoliberal restructuring ang imposisyon ng precarious labor o halos ganap na kontraktwalisasyon ng paggawa para humamig ng mas malaking tubo at sagkaan ang kolektibong paglaban ng mga manggagawa. Bukod pa rito ang paglawak ng lantay na panunupil sa kilusang manggagawa sa anyo ng kawalan ng karapatan sa pag-uunyon at pakikipag-bargain sa mga kapitalista. 

3. Sa panahon ding ito, nabuo ang tinatawag na Global Value/Supply Chains na naging katangian ng imperyalismo sa global na antas. Pinaghiwa-hiwalay nito ang produksyon sa iba’t ibang bansa para lubos na pagsamantalahan ang mga di-mauunlad na bayan. Higit na pinamura ang paggawa, at unti-unting inuuk-ok ang soberanya ng mga bansa sa Global South para lubos itong pagsamantalahan.

4. Ang panahong ito sa kasaysayan ng imperyalismo ay kinatangian ng over-accumulation ng kapital sa kamay ng iilang empresa habang bumabagsak ang tubo sa industriyal na produksyon. Lumipat ang sentro ng tubo sa dominasyon ng finance capital. 

Ang Monopoly-Finance Imperialism (2008-kasalukuyan)

1. Sa maraming analisis ng imperyalismo ngayon, ito ang itinuturing na bagong anyo pagkatapos ng 2008 crisis. Ang 2008 capitalist crisis ay tinatawag na Global Financial Crisis (GFC). Tumungo ito sa bagong global recession (Great Recession) na kinatangian ng collapse ng housing market, subprime mortgages o loans, pagsasara ng mga bangko, at massive bailouts nito para lutasin ang krisis.

2. Sa kasalukuyan, ang kapitalistang ekonomiya ay kinatatangian ng dominasyon ng finance at digital/platform monopolies, gaya ng limang pinakamalalaking digital corporation sa daigdig ngayon, ang tinatawag ding ‘Big Tech’ — Amazon, Apple, Meta, Alphabet (Google), at Microsoft. Ang mga monopolyong ito ang pumaibabaw sa mga industriyal na monopolyo. Binuo rin ito ng finance capital subalit ang pamamaraan ng tubo ay hindi lamang tubo sa produksyon, kundi nagmumula sa pagkuha ng upa (rent) mula sa kontrol nito sa data, platform, apps, at intellectual property rights sa mga ito.

3. Ang dominasyong pang-ekonomiya ng monopoly-finance imperialism ay isinasagawa rin sa pamamagitan ng imposisyon ng permanent debt regimes (sa mga sovereign states hanggang sa mga sambahayan o households).

4. Malawakang ginagamit din ang pag-unlad ng teknolohiya sa information & communication technology, AI, at gaya nito, sa mas agresibong militarismo, paniniktik, at gyera na gumagamit ng drones at iba pang makabagong sandatang nukleyar.

5. Sa paghahangad ng U.S. na manatiling number one hegemonic superpower sa mundo, tumitindi ang tunggalian sa itinuturing niyang karibal sa ekomiya at geopolitika: U.S. laban sa China, NATO laban sa Russia, at mga proxy wars. Naghahangad din ang maraming umuunlad na bansa na kumawala sa trading at currency system na kontrolado ng U.S. Ito ang BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa at iba pang mga pumapasok na bansa. Gayunman, nananatiling dominant ang dollar-based system sa trading at global finance dahil ang U.S. ay pangunahin at mahalagang partner nito sa kalakalan at pangungutang.

6. Sa mga bansang itinuturing ng U.S. na banta sa kanyang paghahari at dominance, ginagamit ang sandata ng sanctions at blockades (Venezuela, Cuba, Iran, atbp.) para wasakin ang kanilang ekonomiya, gutumin at patayin ang mamamayan doon, ipatupad ang regime change, hanggang manikluhod ang buong bansa sa kanilang paghahari at ipagkaloob na ang kanilang resources (langis, raw materials, atbp.) sa interes ng imperyalismong U.S.

7. Bahagi ng imperyalistang kontrol ngayon, sa dati at bagong anyo nito, ang nagaganap na ecological breakdown. Hindi papayag ang imperyalismo na ganap na ipatupad ang carbon ban sa ekonomiya sapagkat dito siya pangunahing nakikinabang. Ang pag-atake ng U.S. sa Venezuela, Iran, at mga bansa sa Middle East na hindi sumusunod sa kanyang nais ay kaugnay ng pagkontrol sa langis na palalawakin pa ang pagmimina at produksyon sa gitna ng nagbabagang sitwasyon ng climate change.

V. Type of Economic Crisis Today

1. Ang systemic crisis ay umaapekto parehas sa Global North at Global South na mga bansa. Kombinasyon ito ng pang-ekonomiya, pinansyal, geopolitical, at ecological na mga kontradiksyong sumasambulat sa pandaigdigang sistema ng kapitalismo.

2. Matapos ang Global Financial Crisis (kailan), hindi na nakarecover ang kapitalistang daigdig at nanatili itong nasa mababang antas ng paglago (growth) o “stagnation”:

  • May mababang global GDP growth
  • Mahinang investment sa industriya
  • Bumabagsak na produktibidad sa industriya

3. Kahit mga abanteng imperyalistang bansa, gaya ng U.S., Germany, at Japan ay may stagnating industries at mga lumang imprastruktura. Ito ay dulot ng patuloy (chronic) na overaccumulation ng kapital na hindi mahanapan ng profitable industrial investments.

4. May global debt explosion. Ang global debt ay lampas sa 300% ng pandaigdigang GDP. Lublob sa utang ang maraming mga bansa, laluna ang Global South. Para raw ma-manage ito, pinipresyur ng IMF-WB ang mga bansa na magsagawa ng austerity measures na lalong nagpapalala ng krisis.

5. May global inflation at cost-of-living crisis. Maraming manggagawa worldwide ang humaharap sa tumataas na presyo ng bilihin, housing crises, bumabagsak na halaga ng sahod, at iba pa.

6. May tumitinding geopolitical rivalries sa hanay ng mga superpowers: U.S. vs. China; NATO vs. Russia. Ngayon naman ay ang pagsambulat ng krisis sa Iran dahil sa gyerang inilunsad ng U.S. at Israel doon.

7. Ang paglaganap ng extreme right-wing movements and leaders, gaya ng pagkabuhay ng neo-Nazi groups sa mga kapitalistang bansa, at ng administrayon ni Donald Trump sa U.S.

8. Extreme inequality sa daigdig, sa pagitan ng mga bansa at sa loob ng mga bansa.

9. Ang krisis sa environment at ekolohiya na dulot ng walang-humpay na paggamit ng fossil fuel (langis, coal, natural gas) para sa enerhiya at lalong pagtindi ng carbon buildup sa atmospera na nagdudulot ng extreme climate change.

10. Lahat ng ito ay nagpapamalas ng multi-dimensional crisis ng kapitalistang sistema, na lalong pinalulubha ng mga imperyalistang bansa at imperyalistang kompetisyon.

VI. Ang mga gyera (“limited war” at “forever wars”) na inilunsad ng imperyalistang Amerikano laban sa mga Global South mula 1960s

1. Mula 1960s, ang imperyalismong Amerikano ay naglunsad ng mga gyera, intervention, pananakop, at operasyong militar sa buong mundo. Ang ilan ay ay direktang gyera may pananakop militar (ground troops), air bombardments, at mga gaya nito, habang ang iba ay proxy wars (Ukraine), o regime-change interventions (Venezuela). Heto ang chronological summary ng mga pangunahing U.S.-instigated o U.S.-led wars mula 1960s at ang kanilang naging resulta. 

War/InterventionYearsWhereU.S. ObjectiveOutcome
1. Vietnam War1955-1975 (major escalation 1964)Vietnam, Laos, CambodiaStop communist victory and maintain U.S. influence in Southeast AsiaU.S. defeat.Vietnam unified under communist government in 1975
2. Dominican Republic Intervention1965Dominican RepublicPrevent leftist government after civil warU.S.-backed government installed
3. Cambodia War/Bombing1969-1973CambodiaDestroy Vietcong basesDestabilized Cambodia; led to rise of Khmer Rouge
4. Laos Secret War1964-1973LaosBlock communist Pathet LaoCommunist victory
5. Lebanon Intervention1982–1984LebanonSupport anti-Syrian governmentU.S. withdrew after Beirut barracks bombing
6. Grenada Invasion1983GrenadaRemove Marxist governmentU.S. installed pro-West government 
7. Libya Bombing1986LibyaPunish Muammar GaddafiRegime survived
8. Panama Invasion1989PanamaRemove Manuel NoriegaNoriega captured; U.S.-friendly government installed
9. Gulf War (Iraq War I)1990-1991Iraq/KuwaitExpel Iraq from KuwaitIraqi forces expelled but Saddam Hussein remained
10. Somalia Intervention1992-1994SomaliaHumanitarian mission / nation-buildingU.S. withdrawal after Battle of Mogadishu
11. Bosnia War Intervention1995BosniaNATO bombing against Serb forcesDayton Accords ended war
12. Kosovo War1999Yugoslavia (Serbia/Kosovo)Stop Serbian repression of KosovarsSerbia withdrew; Kosovo later declared independence
13. Afghanistan War2001–2021AfghanistanDestroy Al-Qaeda and remove TalibanU.S. withdrawal; Taliban returned to power in 2021
14. Iraq War (Second Iraq War)2003-2011IraqRemove Saddam Hussein, alleged WMDSaddam removed; long insurgency; unstable Iraq
15. Libya War2011LibyaNATO intervention to remove GaddafiGaddafi overthrown; Libya fragmented into civil war
16. Syrian War Intervention2014-presentSyriaFight ISIS and influence Syrian conflictAssad government remains in power
17. War against ISIS2014-2019Iraq and SyriaDestroy ISIS caliphateISIS territorial defeat but insurgency remains
18. Yemen War (support for Saudi coalition)2015-presentYemenSupport Saudi war against HouthisProlonged humanitarian crisis
19. Ukraine War (proxy support2022-presentUkraineSupport Ukraine against RussiaOngoing war
20. Support to Israel’s war on Gaza and Palestine (latest war on Gaza)2023-presentGaza, PalestineMilitary and weapons supply to Israel. Naval deployments in the regionOngoing war on Gaza and Palestine
21. VenezuelaJan. 2026VenezuelaRegime change in Venezuela, privatization and US control of Venezuelan oilCapture Maduro. Privatization deals with new head of Venezuela
22. IranFeb. 2026IranU.S.-Israeli bombings of IranKilled Khamenei, regional escalation of attacks and war

VII. Posibilidad ng malawakang gyera at ang papel ng Pilipinas

1. Mabilis na tumitindi ang banta ng panibagong gyera na pinasimulan ulit ng U.S sa ilalim ng administrasyon ni Donald Trump. Noong January 2026, inatake ang Venezuela, dinukot si Pangulong Nicolás Maduro at kanyang asawa, at pinatay lahat ng security group Maduro. Isang buwan pagkatapos, sa gitna ng negosasyon sa Iran, binomba ng U.S.-Israel ang Iran at pinatay ang pinuno nito sa Khamenei, habang higit 170 ang batang babae na minasaker sa pagbomba sa kanilang eskwelahan. 

2. Ito ay lantad na mukha ng imperyalismo, garapalang paglabag sa pambansang soberanya, pandaigdigang batas, at sa karapatan sa sariling pagpapasya ng sambayanang Venezuelano at mamamayan ng Iran. 

3. Kasabay nito, hindi pa tapos ang walang habas na pagkandili at pagsuporta ng United States sa genocidal na rehimen ng Israel laban sa mamamayan ng Gaza at sa buong Palestine. Kung wala ang tuluy-tuloy na suportang militar, armas pandigma, at diplomatikong panangga ng U.S., matagal nang nabuwag ang estadong Israel sa harap ng rebolusyonaryong paglaban ng mga Palestino at ng mamamayang Arabo sa rehiyon. 

4. Ang lahat ng ito ay patunay na nananatili ang United States bilang nag-iisang pinakamakapangyarihang imperyalistang bansa sa daigdig, laluna sa usapin ng kapangyarihang militar. Bagamat may umuusbong na mga karibal sa larangan ng pang-ekonomiyang hegemonya, walang kapantay pa rin ang kakayahang militar ng U.S. sa pandaigdigang antas.

5. Dahil dito, hindi totoo ang sinasabing “multipolarity” sa daigdig ngayon, laluna sa larangan ng kakayahang militar. Ang United States ang nag-iisang superpower, kasama ang kanyang client states gaya ng Israel, na walang kapantay sa pandaigdigang kapabilidad sa lahat ng larangan ng digma — sa lupa, dagat, at himpapawid.

6. Bagamat nagbago ng tono ang U.S. sa kagyat na pang-uupat ng gyera sa China na nilaman ng kanilang U.S. National Security Strategy, at may pokus ngyon sa Western Hemisphere (Caribbean, Central at Latin America, kasama ang Venezuela at Cuba), kinikilala pa rin ng U.S. na pangunahing karibal na kapangyarihan ang China at Russia. Kailangan lamang nitong tiyakin na maging ‘mapayapa’ sa kanyang paghahari ang mga kalapit niyang bansa.

7. Patuloy pa ring nakakalat ang military forces ng U.S. sa Indo-Pacific at Asia-Pacific. Ang Indo-Pacific Command ay binubuo ng US fleet na nagpapatrol sa Indo-Pacific (binubuo ng 40 bansa: Australia, New Zealand, Bangladesh, Bhutan, Brunei, Cambodia, Laos, North Korea, South Korea, India, Japan, Laos, Maldives, Mongolia, Nepal, Pacific Island Countries, Pakistan, Taiwan, Timor Leste, and China. 

8. Nililigawan ng U.S. ang suporta ng nasabing mga bansa at nagbubuo ng security alliance sa mga ito. Maraming U.S. military bases na nakapalibot sa Indo-Pacific at sa South China Sea. May malaking papel ang Pilipinas na may 9 (mula 5 sa panahon ni Noynoy Aquino) na U.S. military bases na nasa loob ng military bases ng Pilipinas, ayon sa sinasaad ng kasunduan sa EDCA. Ang bagong kalagayan ay nagdeploy na sila ng mga long-range at middle-range missiles na may kakayahang bombahin ang Chinese mainland.

9. Dahil sa ganitong kalagayan, maaaring maging teatro ng labanan ang West Philippine Sea at South China Sea sa napipintong gyera sa pagitan ng U.S. at China. Pangunahing aggressor dito ang U.S., pero naghahanda na rin sa gyera ang China. Ang China ang may pinakamalaking naval formation sa rehiyon, bagamat ang kapasidad ng kanyang barkong pandigma ay malayo sa U.S. 

U.S. bases in the world

VIII. Ang Pakikibaka Para sa Sosyalismo sa Kalagayan Ngayon

1. May objective necessity na kumilos at magpakilos nang marami laban sa multi-dimensional crisis ng kapitalismo. At bawat bahagi ng krisis na ito – gayundn ang multiple crises – ay malulutas lang sa pagbabagsak ng kapitalistang sistema at pagsusulong ng sosyalismo. Ito ang kailangang mailinaw lahat sa marami. Ito ang antas ng pampulitikang kamalayan na dapat abutin ng masang handang lumaban sa salasalabat na krisis na nagaganap ngayon.

2. Pero hindi dapat maging dogmatic ang sosyalistang kilusan sa kanyang estratehiya at mga pamamaraan ng paglaban. Ani Lenin, ang estratehiya ay dapat nakaugat sa aktwal na relasyon ng mga uri, sa balanse sa pwersa, at sa pundasyon ng makauring pakikibaka (class struggle).

3. Tungkulin natin na isalin ang krisis tungo sa organisadong pampulitikang pwersa na nakaiintindi sa nilalaman at patutunguhan ng pakikibaka, hindi lamang sa pagkakamit ng ilang kagyat na reporma.

4. Matagal na ring idinidiin ng mga sosyalistang rebolusyonaryo, gaya ni Lenin, na itayo ang independyente kapangyarihan ng malapad na uring manggagawa. Kasama sa kondisyon ng pagtatagumpay ng paglaban ng uring manggagawa ngayon ang alyansa sa nakararaming masa ng magsasaka, urban poor, kababaihan, kabataan, at petiburgesya para kompletuhin ang demokratikong mga tungkulin at sumulong sa sosyalistang pakikibaka.

5. Magtayo rin ng malapad na alyansa o nagkakaisang prente ng iba’t ibang uri, subalit huwag hayaang mawala ang independyenteng programa at organisasyon ng uring manggagawa.

6. Kailangan ng pandaigdigang alyansang anti-imperyalista na isusulong ang pandaigdigang kampanya at mobilisasyon laban sa gyera. Nangyari na ito ngayon at mas lalong kailangan at dapat mangyari ito ngayon. #

Leave a comment