Plataporma ng Gobyerno ng Masa

 Ito ang pangunahing dokumentong pinagtibay ng ika-4 na Kongreso ng Partido Lakas ng Masa (PLM) noong Setyembre 30, 2023 sa University of the Philippines. Inilalathala para maipalaganap ang nilalaman ng Plataporma ng Gobyerno ng Masa mula ngayon hanggang transisyon tungong sosyalismo.

ANG PLATAPORMA NG GOBYERNO NG MASA ay plataporma ng gobyerno na binubuo ng mga kinatawan ng masang manggagawa at maralita o mga marginalized na sektor tungo sa pagbubuo ng bagong sistema ng sosyalistang lipunan na makatao, walang pagsasamantala, walang pang-aapi, may kakayahang isustine (sustainable), at kung saan ang yaman ng lipunan ay pantay-pantay na pinaghahatian ng lahat. Ito ay isang lipunan na ipupundar sa tunay na pag-unlad ng sangkatauhan, hindi gaya ng kasalukuyang kapitalistang lipunan na pinaghaharian ng iilan at pinatatakbo para sa kasaganaan lamang ng iilan.

Ang Plataporma ng Gobyerno ng Masa ay transisyonal na programa na kumakatawan sa layunin ng masa (ng uring manggagawa, mga maralita sa lungsod at kanayunan, o lahat ng mahihirap) na magtayo ng kapangyarihang pampulitika para ibagsak ang paghaharing elitista at pasimulan ang hakbang sa tuluy-tuloy na pagbabago ng lipunan.

Ang Plataporma ng Gobyerno ng Masa ay binubuo ng tatlong bahagi. Una ang pakikibaka sa kagyat na layunin (immediate and urgent demands) na isalba ang mamamayan sa matinding krisis na nililikha ng kapitalistang sistema at palawakin ang demokratikong espasyo para sa pampulitikang interbensyon ng masa. Ito’y plataporma sa kalagayang hindi pa naitatayo ang Gobyerno ng Masa, subalit kailangan nang isulong ang mga kagyat na karaingang pang-ekonomiya at pampulitika na magpapabuti sa kalagayan ng masa at maghahanda sa kanila sa pag-agaw ng kapangyarihang poder at pagsusulong ng transisyonal na programa tungong sosyalismo.

Sa unang bahagi, ang plataporma ay isusulong para magkaroon ng ginhawang pang-ekonomiya at espasyong pampulitika ang masa kahit sa kasalukuyang sistema na pinaghaharian ng mga trapo at elitistang pwersa. Ang platapormang ito ay binubuo ng mga kagyat na pakikibaka para sa makabuluhang reporma ngayon. Mangangailangan ito ng malawakang mobilisasyon at ibayong pagkilos ng masa para mapilitang ipagkaloob ng mga nasa poder.

Sa ikalawang bahagi, isusulong ang transisyonal na plataporma, habang tinatapos ang lahat ng kagyat na usapin para sa economic relief at espasyong pampulitika sa masa. Ang transisyonal na plataporma ay nakatutok sa pagpapasimula ng proseso ng pagbabago tungo sa pagtatatag ng sosyalismo sa bansa. Maipatutupad ang transisyonal na plataporma sa pamamagitan ng pagtatatag ng Gobyerno ng Masa o ng isang progresibong gobyerno. Sa kabuuan, nakasalalay ito sa pag-agaw ng masa at ng progresibong pwersa ng estado poder, eleksyon man o sa pamamagitan ng kapangyarihang masa (people’s power), mula sa kamay ng uring elitista at mga mapagsamantala. Gayunman, kahit maghihintay pa sa pag-upo ng Gobyerno ng Masa, o ng isang progresibong gobyerno, bibitbitin na natin ang ilang transisyonal na mga panawagan, kahit ngayon, para maaga pa lamang ay maiguhit na sa isip at damdamin ng masa ang kaibhan ng mga sosyalista at ng mga elitista.

Sa ikatlong bahagi, ilalatag naman ang direksyon ng pagtatatag ng sosyalismo sa bansa sa ilalim ng Sosyalistang Gobyerno. Sa ngayon, ang mailalatag lamang natin ay ang pangkalahatang layunin, patakaran, at hugis ng sosyalistang sistema. Ang eksakto at kongkretong katangian ng sosyalismo sa bansa ay babatay pa rin sa maraming salik, gaya ng balanse ng pwersa sa lipunan, ang lokal, ang pang-rehiyon, at pandaigdigang kalagayan, at iba pa. Ang magiging haba ng transisyonal na yugto (o transisyonal na programa na nasa ikalawang bahagi ay babatay din sa nabanggit na mga salik. Gayunman, dapat ariin na nating guideposts sa ating mga pakikibaka ngayon ang mga prinsipyo at patakarang magkakahugis sa itatayong sistema ng sosyalismo sa bansa.

[*Sa ikatlong bahagi, may ilang halimbawa sa dulo kung paano isinusulong ang mga sosyalistang patakaran sa Cuba. Ang Cuba ay nananatiling sosyalistang bansa, bagamat napapalibutan ng hukbong militar ng US at nakapailalim sa embargo (hindi pinapayagan ng US ang lahat ng kapitalista nito, at iba pang kapitalistang bansa na makipagkalakalan sa Cuba). May ilang kompromiso na ginawa ang Cuba para manatili silang umiiral, kabilang na ang repormang pang-ekonomiya na nagbukas ng bansa sa ilang kapitalistang aktibidad at mga joint ventures ng gobyerno sa mga dayuhang korporasyon.]

Para maipatupad ang kabuuang Plataporma ng Gobyerno ng Masa, dapat tanganan ng masa ang kapangyarihang pampulitika, ang buong gobyerno at lahat ng ahensya ng estado mula lokal hanggang pambansang antas, at isakatuparan ang minimithing layunin ng bagong lipunan. Ang Gobyerno ng Masa ang tulay na magdudugtong sa kasalukuyang bulok na sistema ng kapitalismo tungong sosyalistang lipunan. Isang lipunan na ang panuntunan ay pagtitiyak na anumang kasaganaan at pag-unlad ng lipunan ay maisasalin sa kasaganaan at pag-unlad ng bawat indibidwal, isang lipunan na sustainable at napangangalagaan ang kalikasan at ekolohiya sa bansa, at kung saan ang bawat indibidwal ay mahuhubog bilang kritikal na pwersa sa ganap na lipunang pagbabago. Walang sosyalismo kung walang Gobyerno ng Masa.

Ang Plataporma ng Gobyerno ng Masa ay kontribusyon ng masang Pilipino sa pagsusulong ng sosyalismo sa ika-21 siglo – sa pagtatayo ng internasyonal na pagkakapatiran ng lahat ng inaapi at pinagsasamantalahang pwersa tungo sa pagwawakas ng imperyalistang pagsasamantala at pang-aapi, pagtatatag ng pantay na ugnayan ng mga bansa at pagkakapatiran ng masa sa buong mundo, pagtatanggol sa kalikasan at ekolohiya na patuloy na winawasak ng sistemang kapitalismo sa pandaigdigang saklaw, at pagkakamit ng tunay na kapayapaan at kasaganaan sa mundo.

I. KAGYAT NA PLATAPORMA NG PAKIKIBAKA NGAYONII. TRANSISYONAL NA PLATAPORMA NG GOBYERNO NG MASAIII. SOSYALISTANG PLATAPORMA
A. Kagyat na mga usapin sa pagsasalba sa kalagayan ng masa: paglutas sa kahirapan, gutom, inhustisya, at krisis sa kalikasan
1. Ibaba ang presyo ng mga bilihin, ipatupad ang price ceiling sa lahat ng batayang bilihin, at tanggalin ang VAT at lahat ng mga buwis na nakabase sa consumption, at magtatag ng progresibong sistema sa pagbubuwis.Sa ilalim ng Gobyerno ng Masa, bukod sa pagpapatupad ng kagyat na pagbaba ng presyo ng mga bilihin, laluna ng mga agrikultural na produkto, tiyakin na hindi naaagrabyado ang mga magsasaka. Bibigyan ng subsidy, badyet pangsuporta, warehousing, at cold-storage plant ang maliliit na magsasaka.Magtatayo ng maraming pampublikong shops at groceries magbebenta ng murang produkto at magtatanggal sa sistema ng middleman. Maglulunsad ng mga feeding program, health project at mga programa sa komunidad na susugpo sa gutom, sagad na malnutrisyon ng mga bata, at iba pang mga sakit.Magbibigay ng sapat at tuluy-tuloy na ayuda sa mahihirap na pamilya sa komunidad, at idadaan ito sa barangay o direkta sa kinauukulan.Walang buwis sa sosyalistang lipunan. Gayundin, titiyakin ng sosyalistang gobyerno na bawat pamilya o household ay pagkakalooban ng mga batayang pangangailangan.   Harvard Business Review: There is no personal income tax in Cuba. There is no corporate tax in Cuba. There is no VAT in Cuba. There is no sales tax in Cuba. [But recently under the reforms, there are taxes for small-scale entrepreneurship (allowed to have up to four employees) for joint ventures with foreign corporations.
2. Ibaba ang halaga ng koryente, tubig at pamasahe.  Sa ilalim ng Gobyerno ng Masa, hakbang-hakbang na ibabalik sa gobyerno ang pagpapatakbo ng mga batayang pangangailangan ng masa gaya ng koryente, tubig, at transportasyon.Sa sosyalismo, ganap na isusulong ang nasyonalisasyon ng mga mayor at susing industriya (kabilang ang enerhiya at koryente, tubig at transportasyon). Ikakalat din ang teknolohiya at iba pang imprastruktura para gamitin ito ng mga batayang komunidad sa kanilang plano ng pag-unlad.
3. Moratoryum sa lay-offs at pagsasara ng mga pabrika. Ayuda ng gobyerno sa mga nawalan ng trabaho.Patatakbuhin ng Gobyerno ng Masa o ng mga manggagawa mismo (na may suporta ng gobyerno) ang mga pabrikang nagsara. Itataguyod ang takeover ng mga manggagawa sa nagsarang mga pabrika. Itatayo ang workers’ management council sa mga pagawaang ito.Sa sosyalismo, wawakasan ang kapitalistang pag-aari sa mga pabrika, kasangkapan sa produksyon, marketing at distribusyon ng mga produkto, at ipagkakaloob ito sa mga manggagawa. Ang bawat lugar ng paggawa ay patatakbuhin at pamamahalaan ng mga manggagawa.
4. Pagsusulong ng pampulitika at pang-ekonomiyang karapatan ng mga manggagawa: Itaas ang sahod ng mga manggagawa na lampas sa poverty level. Automatic wage adjustment batay sa implasyon o pagtaas ng presyo. Buwagin ang Regional Wage Boards.Ganap na karapatan sa welga at pag-oorganisa.Pagbabawal ng kontraktwalisasyon at kaswalisasyon sa mga regular na trabaho at pagbasura ng lahat ng mga batas at regulasyon na anti-unyon at anti-manggagawa.Buwagin ang manpower agencies at ipatupad ang direct hiring only sa mga manggagawa.Sa Gobyerno ng Masa, bukod sa mga nabanggit na kagyat na laban: Ipagkakaloob ang living wage na batay sa basket of goods ng pangangailangan ng pamilya ng manggagawa (ayon sa pinakahuling pagsusuri sa standard of living na lagpas sa poverty line). Susuportahan ito ng buwanang subsidies sa pagkain at pangangailangang pangkalusugan ng buong pamilya.Paliliitin ang oras ng paggawa nang hindi naapektuhan ang regular na sahod.Ipatutupad ang prinsipyo ng workers’ control (pagkakaroon ng tinig at boto ng manggagawa sa mahahalagang desisyon ng kompanya, kabilang ang hati ng manggagawa sa tubo ng kompanya, hiring and firing ng manggagawa, at iba pang mga desisyon, Ang workers’ control ay karapatan ng manggagawang i-veto ang mga plano ng kompanya na labag sa kanilang interes.Sa sosyalismo, ang mga manggagawa ang may kapangyarihang pang-ekonomiya at pampulitika. Hindi lamang ito sa antas ng gobyerno, kundi sa antas ng mga lugar ng paggawa. Itataguyod ng Gobyernong Sosyalista ang asembliya ng mga manggagawa bilang may pinal na karapatan sa mga desisyon ng industriya, pabrika, at mga lugar ng paggawa.Ang paggawa ay isang karapatan, ipanlipunang responsibilidad, at pundasyon ng dignidad ng bawat mamamayan. Walang kontraktwalisasyon sa ilalim ng sosyalismo. Bawat isa ay ginagarantiyahan ng trabaho at makataong buhay.Mula workers’ control (kung saan may veto power lamang ang mga manggagawa vis-à-vis sa management ng kompanya), ipatutupad ang Workers’ Management na mga manggagawa ang mismong magpapatakbo ng mga pagawaan.   Human Development Index of Cuba: much higher than the majority of Latin American countries. Poverty level is one of the lowest in the developing world.Wage increases is routinely undertaken by government based on increasing cost of living.Workplace negotiations in Cuba, union and management officals meet to draw up local contracts regarding workplace issues, which must be ratified by a union assembly.
5. Pagwawakas ng gutom, kahirapan at inhustisya sa kanayunan: Ipagkaloob sa magsasaka ang lahat ng natitirang lupang sakahan sa ilalim ng repormang agraryo.Ipagbawal ang land conversion na ipinatutupad ng malalaking estate firms.I-repeal ang Rice Tariffication Law.Seguridad sa pagkain sa pamamagitan ng pagbabawal ng eksportasyon ng bigas, at iba pa.Bigyan ng badyet pangsuporta sa agrikultura at marketing ang maliliit na magsasaka.    Sa ilalim ng Gobyerno ng Masa, bukod sa mga kagyat na laban, isusulong ang repormang agraryo, na magkakaloob ng lupa sa mga nagsasaka (na hihikayating magtayo ng mga kooperatiba at samahang masa), ng subsidyo at pagpapababa ng presyo ng mga farm input, agricultural credit, imprastruktura sa agrikultura (irigasyon, harvest at post-harvest facilities, atbp.), job security, at mataas na sahod para sa mga manggagawang agrikultural.Itatambal ang mga samahang magsasaka sa itatayong public groceries at shops na magtatanggal sa operasyon ng middle-man at mga usurer.Sa malalaking corporate farms, itatatag ang kontrol ng maliliit na magsasaka at tiyakin na sila ang nagtatakda ng mainam na arrangement sa kota, paggamit ng teknolohiya, at presyo ng produkto at hindi lamang ang mga korporasyon.Nasyonalisasyon ng lahat ng lupain at pagkakaloob ng lupang sakahan sa mga magsasaka (lalaki o babae man ang head of family), sa kooperatiba at samahang masa.Hihikayatin ang pagtatayo ng mga kooperatiba ng magsasaka at manggagawang agrikultural sa kanilang lugar na siyang dadaluyan ng lahat ng suporta ng sosyalistang gobyerno, mula makinaryang agrikultural at iba pa.  
6. Kagyat na proteksyong pangkalikasan: Itigil ang lahat ng proyektong mapaminsala sa kalikasan at sa mga komunidad, gaya ng Kaliwa Dam, seabed quarrying, reclamation project, at iba pa.I-phase-out ang lahat ng coal-fired na planta.Ipatupad ang just transition tungo sa low carbon na ekonomiya at paggamit ng renewable energy system.Buwisan ang carbon emission ng mga kompanya.Ipatigil ang mapanirang pagtotroso at pagmimina, dynamite fishing, at iba pang operasyon na nakasisira sa kalikasan at balanseng pangekolohiya.Ibasura ang Mining Act.  Itataguyod ng Gobyerno ng Masa ang hustisyang pangklima sa paggiit sa mga mayayamang bansa na magbigay ng bayad-pinsala (reparation) sa kanilang mga ginawa na nagbunga ng krisis sa klima. Kagyat na ipatitigil ang paggamit ng fossil fuel.Lilikha ng mga batas para sa pagkontrol ng polusyon sa lupa, hangin at tubig.Lilinanging muli ang lupa, gubat, at katubigan para manumbalik ang ekolohiya nito. Ipatutupad ang kontrol ng komunidad at pangangasiwa sa yamang-tubig at iba pang public domains (kagubatan, at iba pa).Dahil wawakasan ng Sosyalistang Gobyerno ang kapitalismo, ang produksyon ay hindi na para pagtubuan ng iilan. Mawawakasan na rin ang maaksayang produksyon na walang plano at walang pakundangan sa pagwasak sa kalikasan at ekolohiya dahil lamang sa tubo. Ang sosyalismo ay planadong ekonomiya na ipupundar sa isang sustainable at environment-friendly na kaayusan. Wawakasan ang fossil-fuel-dependent energy system at patatakbuhin ang enerhiya sa sa lahat ng aplikableng anyo ng renewable energy (solar, hydro, wind, atbp.).
B. Pagpapalaki at pagpaparami ng mga panlipunang programa para sa masa.
1. Pagkakaloob ng disenteng trabaho at sahod na nakabubuhay sa lahat.      Ipatutupad ng Gobyerno ng Masa ang malalaking proyekto na magbibigay ng trabaho sa lahat (construction, public housing, at iba pa). Ang mga hindi matatanggap sa pribadong sektor ay sasanayin sa ibang trabaho o kukunin bilang mga manggagawa ng gobyerno mula sa barangay hanggang ahensyang pambansa. Itataas ang sweldo ng mga manggagawa na magkakapantay sa lahat ng rehiyon.Sa sosyalismo, ang trabaho ay karapatan ng bawat indibidwal. Ang sahod ay batay sa ipinagkaloob ng manggagawa na oras ng paggawa (“from each according to their ability, to each according to their work”). Bukod sa sahod, marami pang nabibilang sa ‘social wage’ ang tatamasahin ng manggagawa, gaya nang pabahay, pagkain, transportasyon, atbp.). Sa mas mataas na antas ng sosyalismo, ang magiging kalakaran ay magiging “from each according to their ability, to each according to their needs”. Ang layunin ng sosyalismo ay paikliin ang oras ng trabaho ng lahat at bigyan ang bawat isa ng mas maraming oras sa sariling pagpapaunlad ng kanilang kakayahan at kagustuhan.   Marx: Labor is not only a means of life, but life’s prime want. Ang trabaho ay hindi hanap-buhay, kundi kaparaanan ng pagkabuhay.
2. Proteksyon ng estado sa karapatan at suporta sa kabuhayan ng mga nasa informal sectors ng ekonomiya (gaya ng vendors, tricycle at jeepney drivers, at iba pa).Sa Gobyerno ng Masa, susuportahan ang kabuhayan ng mga informal sector sa iba’t ibang paraan, gaya ng pamamagitan ng pagtatanggal sa mga buwis sa rehistrasyon ng jeepney at motorsiklo para sa mga tricycle at jeepney drivers; pagkakaloob ng pwesto sa disenteng pamilihan sa mga vendors at suportang gobyerno sa kanilang pamumuhunan; at iba pa.Ititigil ang tinatawag na ‘modernisasyon ng jeepney’; magpupuhunan ang gobyerno sa mass public transportation na ang bibigyan ng trabaho ay ang mga drivers ngayon; magkakaloob ng ruta sa mga lungsod na pwede pang magbiyahe ang jeep, hanggat hindi natatapos ang mass public transportation ng gobyerno.Sa sosyalismo, mawawakasan kahit ang kategorya ng ‘informal sector’ na katawagang ginagamit ng kapitalismo sa mga hindi nito mabigyan ng trabaho (ang hukbo ng reserbang paggawa) dahil lahat ay may karapatang magtrabaho. Kung hindi sila agad mabibigyan ng trabaho dahil sa ilang kadahilanan, pagkakalooban sila ng karapatang mag-aral nang libre nang may libreng board and lodging, at may living stipend.Ipatutupad ng gobyernong sosyalista ang malawakan at modernong mass public transportation na libre sa lahat ng gagamit nito.   Sa Cuba, tinitiyak ng sistema na wala ni isang magugutom. May sistema ng rationing (ayuda) para sa pagkain at iba pang pangangailangan, sa anyo ng Supplies Booklet na ginagamit sa mga government shop. Mananatili ang sistemang ito hanggang kailangan ng mga tao.
3. Libre o abot-kayang proyektong pabahay nang walang interes at kolateral. Pagtigil ng landgrabbing, eviction at demolisyon ng mga bahay at komunidad. Itaguyod ang karapatan sa lupang kinatitirikan ng tahanan ng masa.Sa Gobyerno ng Masa, ipatutupad ang pangakong “sapat, ligtas, walang panganib, kayang tirahan, sustinable, matibay, at abot-kayang” pabahay. (adequate, secure, habitable, sustainable, resilient, and affordable homes) para sa lahat ng mahihirap na walang sariling tirahan. Itatayo ito on-site o in-city o kung saan malapit sa lugar ng kanilang trabaho. Ang layunin ay ilagay sila sa horizontal na mga pabahay, para may kasiguruhan sila at ang kanilang salinlahi na may titirahang bahay. Ang vertical housing ay huling alternatiba lamang at kailangang lagyan ng lahat ng amenities (elevator, atbp.), kabilang ang parke na lugar-pahingahan at para sa iba pang mga aktibidad ng mga nakatira sa condominium.Sa sosyalismo, ang lupa ay hindi na magiging pag-aaring pribado, kundi pag-aaring komon o para sa lahat ng nangangailangan nito. Aalisin ang bakod ng pribadong pag-aari sa mga komon na lugar (baybaying dagat, lawa, at iba pa).Ang paninirahan ay karapatan ng bawat mamamayan. Libreng pabahay at libreng amenities sa lugar ng pabahay (transportasyon, garbage collection, health clinic, sports/leisure/arts park, atbp.). Ang paninirahan ay ilalagay na malapit sa lugar ng trabaho nang hindi nasasakripisyo ang mga benepisyo ng paninirahan sa kanayunan (malawak na espasyo o park-like environment, sariwang hangin, atbp.). Patatakbuhin ang mga lugar na ito ng mga lokal na komunidad o mga samahan na mag-oorganisa ng mga community at cultural activity na mahalaga sa buhay ng mga tao.Sa sosyalismo, ang itinuturing na kontradiksyon sa pagitan ng syudad at kanayunan (contradiction between town and country) ay maglalaho dahil disperse ang trabaho sa lahat ng mga komunidad.   Housing in Socialist Cuba and the Structural Reforms, Columbia Law School, 2019): Housing is a right, not a privilege, not a means of prodcution or investment (or something valorized). Renters obtained the right of perpetual usufruct of the land, plus the ownership of their homes [walang mangungupahan]. For new housing, people pay only around 10% if their income to own the house (hire purchase, no mortgage). There’s security of tenure in housing; it’s illegal to buy and sell housing although residents have rights to exchange housing. Homelessness is eradicated (“No one dies on the streets in Cuba.”). Everyone is part of a community, and the community helps people who have no place to sleep. Housing projects are also undertaken on a state-supported ‘self-help’ basis; microbrigades of workers are given leave from their work to contribute to housing construction.
4. Libre o abot-kayang ospitalisasyon at medisina (universal and comprehensive public health care).    Magkaloob ang Gobyerno ng Masa ng tunay na universal health care. Ibig sabihin (1) covered ang lahat ng pasyente at mamamayan sa lahat ng uri ng sakit, (2) libreng pagpapagamot, laboratory tests, at ospitalisasyon; at (3) pagkakaloob nang libre o abot-kayang mga medisina na kailangan ng may kapansanan.Ipatutupad ang comprehensive public health care system na nakabase sa bawat barangay. Magtatayo ng mga klinik na may doktor at narses, laluna sa malalaking barangay.Kasabay nito, itataas ang sahod ng mga healthworkers at bibigyan sila ng libreng gamit at pangangailangan sa ospital at klinik.Sa sosyalismo, ang healthcare ay hindi pribadong aktibidad. Ang gobyerno ang may hawak at nangangasiwa nito. May libreng universal at comprehensive public health care. Libreng edukasyon at training din para sa mga doktor at iba pang manggagawang pangkalusugan. Ang mga health clinic at ospital ay itatayo sa bawat barangay.   Sa Cuba, itinuturing na palyado ang healthcare system kung ang pasyente ay dadalhin sa sentrong ospital. Ang healthcare ay preventative at sinisimulan sa bawat komunidad. Romoronda sa bahay-bahay ang mga doktor at narses para suriin ang kalagayan ng mga tao, bata at sanggol sa komunidad at pagkalooban ng pangunahing lunas
5. Libreng edukasyon sa pamilya ng mahihirap.Pagkakalooban ng scholarship sa public schools ang lahat ng kabataan sa pamilya ng mahihirap mula sa primaryang antas tungong kolehiyo. Pagkakalooban din sila ng stipend na magagamit sa pagpasok sa eskwela.Ang edukasyon ay karapatan ng bawat mamamayan, hindi ito pribilehiyo. Libre ito sa lahat mula primarya hanggang kolehiyo. Ang mga manggagawa na nais mag-aral ay tatanggap ng halagang katumbas ng kanyang sweldo at pagkakalooban ng dormitoryo at iba pang pangangailangan sa loob ng paaralan.Ang adult education program ay ipapatupad sa antas-barangay (o komunidad), kung saan sa libreng oras ay makapag-aaral ang mga may-edad na.
6. Pagpapataw ng wealth tax sa pinakamayayamang indibidwal at pamilyang Pilipino para pondohan ang mga proyektong panlipunan. Dagdagan ito ng pagkolekta ng government-controlled funds (gaya ng Coco Levy) at koleksyon ng unpaid taxes ng mayayaman (gaya ng bilyun-bilyong buwis na utang ng pamilyang Marcos at ni Lucio Tan) para agad pondohan ang mga proyektong panlipunan.Isusulong pa ng Gobyerno ng Masa ang paglalapat ng wealth tax sa 500 na pinakamayayamang indibidwal at pamilya sa Pilipinas. Lalakipan ang wealth tax ng sequestration ng mga ari-arian, graft money, at iba pang assets na kinulimbat ng mga mandarambong sa gobyerno.Sa sosyalismo, kukumpiskahin ang assets na kinamal ng mga malalaking pribadong kapitalista at korporasyon at ibabahagi ito sa masa. Maaaring bayaran ang maliliit na mamumuhunan sa kanilang naipong ari-arian at kapital. Sa kabuuan, wawakasan ang pribadong pag-aari, at itatanghal ang pag-aaring publiko para sa kapakinabangan ng lahat.
7. Repeal ng automatic debt appropriation, pagwawaksi sa mga di-makatwirang utang, at pagbaling ng bayad-utang para sa mga proyektong panlipunan.   Ipapa-audit ng Gobyerno ng Masa ang lahat ng mga utang ng mga nagdaang administrasyon at ibubukod ang mga di-makatwirang utang na hindi dapat bayaran. Ang matitipid sa pagbabayad ng utang ay gagamitin sa mga proyektong panlipunan.Sa sosyalismo, ganap na ibabasura ang utang sa kapitalistang sistema. Hindi ito kinikilala ng sosyalistang lipunan at magiging bahagi ito ng lumang mapang-aping kaayusan, gaya ng pang-aalipin.Ang mga pangungutang na kalakaran sa kapitalistang bansa at hinihikayat ng mga kapitalistang bangko at korporasyon, dahil sa malaking tubo na hinahamig dito, ay hahalinhan ng kalakalan sa iba pang sosyalista at mapagkaibigang bayan sa batayan ng barter o palitan ng produkto at mga gaya nito.
C. Pagwawakas o pagbaligtad ng mga neoliberal na patakaran ng gobyerno.
1. Pagpapatigil sa mga nakasalang na proyekto sa privatization, kabilang ang PPP (public-private partnership project) na ang makikinabang lamang ay ang mga kapitalistang crony at korporasyon. Gayundin ang mga nakasalang na patakaran sa liberalisasyon sa ekonomiya (gaya ng Mining Law, Banking Law, atbp.), ang deregulasyon ng mga sektor sa ekonomiya (gaya ng EPIRA sa koryente at enerhiya), at ang regressive na pagbubuwis sa mayorya ng mamamayan.    Sa Gobyerno ng Masa, hindi lamang ipatitigil ang privatization ng public services at ng mga ari-arian ng gobyerno, kundi babaligtarin ito para mapasakamay muli ng gobyerno ang nasabing mga serbisyong panlipunan.Ire-reorient ang ekonomiya sa paglikha ng mga pangangailangang lokal kaysa produksyon para sa pagluluwas (export).Magpapataw ng mga taripa sa mahahalagang produkto laluna sa agrikultura; at magtatakda ng mga regulasyon para sa proteksyon ng ating mga produkto. Magpapataw ng regulasyon sa malalaking mga kompanya, laluna sa langis at gasolina, sa mga kompanya sa pagmimina at mga kompanyang sumisira sa kalikasan at ekolohiya. Sa halip na VAT at mga regressive na taxation, ipatutupad ang progressive taxation na tinatambalan ng pagpapataw ng Wealth Tax.Ititigil ang compliance ng bansa sa lahat ng mga direktiba ng World Trade Organization.Pag-alis ng bansa sa IMF, World Bank, ADB, WTO at mga gaya nito, at pagbuwag sa mga di-pantay na kasunduan sa ibang bayan.Pagsusulong ng pantay na kalakalan sa mga mapagkaibigang gobyerno.Sa sosyalismo, babaklasin mismo ang kapitalistang sistema na nakapundar sa pagkakamal ng tubo at kapital sa halip na kapakanan ng lahat ng mamamayan.Ang mga pagawaan ay aariin ng buong lipunan at patatakbuhin ng mga manggagawa.Ang mga komunidad ang may pangunahing kontrol at pagpaplano sa mga yamang-tubig at lupa na nasa kanilang lugar.Wawakasan ang sahurang-pang-aalipin kung saan ang kita ng manggagawa ay batay lamang sa kanilang pangangailangan para mabuhay at makabalik sa trabaho. Ang paggawa ay hindi na ibabatay dito, kundi batay sa ambag ng bawat isa sa trabaho at sa lipunan. Ang pangkalahatang direksyon ng produksyon ay hindi na pagkakamal ng sobrang halaga (‘surplus value’) mula sa mga manggagawa kundi paghahati ng nilikhang yaman para sa pakinabang ng lahat. Habang nagiging sapat ang nalilikhang yaman (‘use values’), ang direksyon ay pagbabawas ng oras ng paggawa at pagkakaloob sa bawat isa ng lahat ng pangangailangan nila sa buhay. Sa ganitong kalagayan, bawat indibidwal ay makapagtutuon na sa kanilang sariling pag-unland nang pangamba sa hinaharap nila at ng kanilang salinlahi sa lipunan.
2. Pagpapataw ng regulasyon sa operasyon ng malalaking kompanya lalo na ang nasa ‘public service’ (koryente, tubig, telekomunikasyon, at mga gaya nito). Pagbubukas ng libro de kwenta ng mga korporasyong ito para matigil ang profiteering at pagmonopolyo ng mga korporasyong ito.Sa Gobyerno ng Masa, bubuwagin ang lahat ng ‘holding companies’ ng multinasyonal at malalaking korporasyon para tiyakin na nababaklas ang pandaigdigang monopolyo, naiiwan ang tubo sa Pilipinas, at hindi na-reremit sa ibang bansa.Lahat ng pangangailangan ng mamamayan sa sosyalismo ay ‘public service’ na dapat ipagkaloob ng sosyalistang gobyerno.
3. Regulasyon sa mga bangko at financial institutions. Gawing transparent ang operasyon ng mga ito dahil sila ay publc service institutions kung saan ang savings ng masa ay doon naka-deposito at unilateral na ginagamit sa mga nakatagong investment. Sa mga magsasarang bangko at iba pang institusyon, tiyakin na maibabalik ang savings at investments ng masa una sa lahat.  Palalakasin ng Gobyerno ng Masa ang papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas para mag-monitor ng mga pribadong bangko, dayuhan o lokal, at magtakda ng mga regulasyon sa mga operasyon nitong sobrang humahamig ng tubo at sumisira sa pinansyal na kapasidad ng bansa. Bubuksan ang tunay na libro de kwenta ng mga bangko. Kung magkakaroon ng krisis sa ekonomiya, walang patakaran ng bailout sa mga kapitalistang bangko at korporasyon (gaya ng probisyong nakasaad sa bagong Konstitusyon ng Ecuador sa panahon ni Rafael Correa).Ilegalisasyon ng financial speculation at iba’t ibang anyo nito.Nasyonalisasyon ng mga bangko at financial institutions. Patatakbuhin ito sa ilalim ng kontrol o management ng mga manggagawa (workers’ control tungong workers’ management).Pagsasabansa ng mga bangko at financial institutions sa ilalim ng popular control para tiyakin na ang pondo ay hindi ginagamit para pagtubuan kundi para pondohan ang social development projects na lumilikha ng trabaho.   Cuba: Central Bank as banking regulator and shareholder of the Cuban banking system (retail banks, investment bank, financial institutions, etc.).
D. Pampulitika at Pang-sektoral na Plataporma
* Ang economic platform ay dapat sabayan ng kongkretong reporma sa pulitika, na ang pinakapuso ay pagtatayo ng kapangyarihan ng masa sa lahat ng antas. Ang marami sa programang naririto ay magagawa lamang sa ilalim ng kapangyarihan ng masa, at kung gayo’y mangangahulugan na kailangang hawakan ng masa ang kapangyarihang pampulitika kung nais nilang isulong ang makabuluhan at makatwirang platapormang ito na tanging solusyon sa krisis ngayon.
1. Ipagbawal ang Political Dynasty gaya nang matagal nang sinasaad ng Konstitusyon.Sa ilalim ng Gobyerno ng Masa, titiyakin ang ganap na pagbabawal sa Political Dynasty sa lahat ng antas. Hindi pwedeng tumakbo sa pwestong lokal (mga barangay at LGUs) at pwestong pambansa ang mga kamag-anak ng nakaupong opisyal at least mula sa second degree of consanguinity at affinity nila (mula asawa, anak, magulang, kapatid, lolo, lola, apo, biyenan, at manugang). Ipagbabawal din ito sa kalagayang katatapos lamang ng termino ng opisyal ng gobyerno, para iwasan ang merry-go-round na sistema ng pagpapalit-palit lamang ng myembro ng dynasty.Sa sosyalismo, walang batayan para umiral ang political dynasty dahil ang ekonomiya at pulitika at hindi monopolisado o kontrolado ng iilan lamang. Namamayagpag ang political dynasty dahil ang political clan na pinagmumulan nito ang may monopolyo ng lupa at iba pang ari-arian sa kanilang teritoryo. Ito ang pinagmumulan ng kanilang political control sa iba’t ibang ahensya ng kapangyarihan.
2. Pagsusulong ng kapangyarihan ng masa (People’s Power). Palakasin ang party-list system na kinakatawan ng mga tunay na nagmula sa marginalized sector. Pawalang-bisa ang pagpayag ng Korte Suprema na katawanin ang party-list ng mga mayayaman, trapo, at dinastiya. Paramihin ang kinatawan ng mga marginalized sector mula 20% lamang ng buong bilang ng Kongreso tungong 60%.Isulong ang Electoral Reform Law na nagpaparami ng kinatawan ng marginalized sector sa buong Kongreso (House at Senate), pag-ban sa political ads at campaigning, liban na lang sa inorganisa ng gobyerno at public media, at mga gaya nito.Tiyakin ang pagpapatawag sa mga Barangay Assembly na kinakatawan ng lahat ng residente (15-taong gulang pataas) sa barangay. Ang Barangay Assembly ang dapat magratipika ng mga plano ng Barangay Council. Bigyan din ng karapatan ang Barangay Assembly na i-recall (tanggalin sa pwesto) ang mga opisyal ng barangay na sangkot sa mga anomalya.  Sa Gobyerno ng Masa, ipatutupad ang lahat ng kagyat na usaping nabanggit na. Palalawakin pa ang demokratikong partisipasyon ng masa sa pamamagitan ng konsultasyon at pagpapalahok sa kanila sa paggawa ng desisyon sa bawat antas ng gobyerno.Magsasagawa ng referendum sa lahat ng mahahalagang panukalang lehislatibo at ehekutibo.Titiyakin na ang bawat ahensya ng gobyerno ay may mga kinatawan sa board nito na galing sa marginalized sector at mga aktibong people’s organizations.Isusulong ang participatory budgeting o partisipasyon ng masa sa pagbubuo ng badyet sa kanilang komunidad hanggang sa LGUs at pambansang antas. Magkaroon ng mga budget hearing na kinokonsulta ang organisasyong masa sa mga lugar na accessible sa kanila (town hall meeting, atbp.). Ang buong badyet ay dapat idaan sa botohan (sa Barangay Assembly) at referendum sa LGU at pambansang antas para pumasa.Titiyakin ang kababaihan ay bibigyan ng malakas at aktibong papel sa lahat ng antas ng kapangyarihang masa.Sa sosyalismo, itatayo ang People’s Power government sa lahat ng antas ng bansa. Ito ang gobyernong binubuo at pinatatakbo ng mga anakpawis mismo.Ang sosyalistang Gobyerno ng Masa ay ipupundar sa mga kapangyarihang lokal (antas- komunidad) na inihalal ng populasyon doon. Ito ang batayan ng pagbubuo ng kapangyarihan sa syudad, munisipyo, probinsya, hanggang pambansang antas. Sa Cuba, ang mga botante sa legislative districts (nagkaka-average ng 3 distrito bawat munisipyo) ang maghahalal ng Pambansang Asembliya na gagawa ng mga batas at siya ring magpapatupad nito (legislative at executive body). Ang mga batas, laluna ang Konstitusyon, ay dadaan sa konsultasyon sa mga asembliya sa komunidad, pabrika, paaralan at iba pang lugar ng paggawa para amyendahan. Ito ang isasalang sa malaking Pambansang Asembliya para sinupin at isalang sa pambansang plebisito.   [Tingnan sa ibaba ang istruktura ng estado sa Cuba.]   Para kay Karl Marx, ang prinsipyo ng sosyalistang gobyerno ay naitala sa “Paris Commune”: “The Commune was to be a working, not a parliamentary body, executive and legislative at the same time.” Ilang prinsipyong itinala doon:Ang lahat ng mamamayan ay may karapatang mag-armas at magbubuo ng milisya sa bawat lokalidad bilang self-defense unit doon. Unti-unting babawasan ang regular state army kapag napatibay na ang sistema ng milisya sa mga lokalidad.Ang direksyon ng estado sa sosyalismo ay unti-unting “pagkaagnas” nito (withering away of the state)” para palitan na lamang ng mga organo ng administrasyon, hindi ng represyon na siyang papel ng estado sa kasaysayan. Kaya ang pangunahing istruktura ng estado na standing army ay unti-unti ring mapapalitan ng milisya o pag-aarmas ng mamamayan hanggang kinakailangan.
3. Itigil ang militarisasyon ng lipunan at itaguyod ang karapatang pantao: I-revamp ang AFP at PNP at tanggalin ang lahat ng kasapi ng mga sindikatong kriminal at nangungurakot sa kanilang pwesto. Litisin ang lahat ng nasangkot sa mga pagpatay laluna sa panahon ng ‘gyera sa droga’ ni Rodrigo Duterte.I-repeal ang Anti-Terrorism Law.Itigil ang pag-usig sa mga mamahayag at protektahan ang kalayaan sa pamamahayag at karapatan sa impormasyon.Itigil ang ‘red-tagging’. Buwagin ang NTF-ELCAC.Ipagpatuloy ang peace talks sa CPP-NPA-NDF. Isama rin sa peace talks ang iba pang stakeholders.Sa Gobyerno ng Masa, aarestuhin at lilitisin ang mga big-time grafter at corrupt na opisyal, kabilang ang mga dati at kasalukuyang nangurakot na pangulo at pamilya nila.Pananagutin ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno sa kanilang krimen, simula sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan, laluna si Rodrigo Duterte at ang kanyang mga kasabwat sa extrajudicial killing sa libu-libong mamamayan.Ililipat ang labi ni Marcos mula sa Libingan ng mga Bayani. Hindi dapat bigyang-parangal ang diktador na nagpahirap sa bayan.Babawasan ang budget ng AFP at PNP nang magamit ang malilikom na pondo para sa serbisyong panlipunan.Tatanggalin ang intelligence fund ng mga ahensiya ng gobyerno na wala namang kinalaman sa security at defense. Ire-revamp ang AFP/PNP at lilitisin ang mga corrupt at kriminal na mga heneral.Lalansagin ang mga criminal syndicates at iba pang sindikato sa loob ng gobyerno at mga ahensya nito.Papalitan ng mga kinatawan ng masa ang mga corrupt at anti-masang personahe sa burukrasya.Ang militarisasyon ay walang puwang sa sosyalistang lipunan. Wawakasan ang batayan sa pagkakahati-hati ng tao sang-ayon sa uri, sa kanilang pag-aari (kung sila ay may kagamitan sa paglikha ng yaman o may kapital, o wala), sa kanilang koneksyon, sa kanilang lahi, sa kanilang relihiyon, at iba’t iba pang pagkakahati. Walang puwang kung gayon ang dibisyon ng tao at pagsasalpukan ng mga grupo ng tao dahil sa mga dibisyon na ito.Ang pundasyon ng seguridad at depensa ng sosyalistang lipunan ay ang pag-aarmas ng masa o pagbubuo ng mga milisya ng masa na pinatatakbo ng mga assemblies sa komunidad, pabrika, lugar ng trabaho at mga kampus.Ang pag-aarmas ay pagdepensa lamang ng sosyalistang bayan sa banta ng pananakop at gyera na manggagaling sa kapitalistang bayan. Kung ang sosyalismo ang maghahari sa mundo, ang pag-aarmas ay magiging kasaysayan na lamang sa pag-inog ng mundo, gaya ng kasaysayan ng pang-aalipin noon.  
4. Pagreporma sa mga sangay ng gobyerno, mula ehekutibo, lehislatibo at hudikatura. Gayundin ang sistemang elektoral: Ipatupad ang transparency at accountability sa lahat ng opisyales at ahensya ng pamahalaan. Ipatupad ang Right to Information na malayang buksan ang SALN at magsagawa ng lifestyle check sa lahat ng opisyales at myembro ng burukrasya ng gobyerno.Siyasatin ang papel ng Comelec at Smartmatic sa mga akusasyon ng pandaraya, pilitin silang mag-cooperate sa pagkakaloob ng lahat ng datos hinggil sa naganap na eleksyon, at kapag napatunayan ang akusasyon, parusahan ang lahat ng nasangkot dito.Sa Gobyerno ng Masa, ipatutupad ang sistema ng recall ng mga opisyales ng gobyerno na hindi na lamang batay sa impeachment proceedings kundi batay sa ‘people’s initiative’ na ginawang realistiko kaysa sa requirement na nakasaad sa Konstitusyon ngayon.Bilang panimula, ire-retire ang mga heneral at lahat ng mga Supreme Court justices at papalitan sila ng mga kinatawan ng masa na nagmumula sa mga progresibong seksyon ng AFP, PNP at judiciary.Ang public service ay kakatawanin ng mga dedicated na opisyales na walang tatamasahing espesyal na mga pribilehiyo.Bubuwagin ang Comelec at itatayo ang bagong electoral agency sa ilalim ng mga kinatawan ng masa.Gagawing demokratiko ang sistemang elektoral para magkaroon ng mas malaking representasyon ang masa sa lahat ng antas ng gobyerno.Ipatutupad ang gender equality bilang isang criteria sa paghahalal ng mga opisyales ng estado sa lahat ng antas.Ang prinsipyo ng sosyalismo ay pagpapantay ng sahod ng opisyales ng gobyerno sa sahod ng mga skilled na manggagawa. Ito’y para tiyakin na ang lahat ng nasa serbisyo-publiko ay walang espesyal na pribilehiyo at taimtim na gumagawa ng serbisyo nang walang kapalit na malaking ginhawa o kurakot. Sigurado naman ang kanilang kabuhayan, at ang kabuhayan ng kanilang pamilya, kaya walang dahilan na mangurakot pa. Gayunman, dapat agad parusahan ang mapatutunayang lumilihis sa tunay na nilalaman ng serbisyo-publiko. Kasama sa pagbabago ng mapag-imbot na karakter ng tao ang proseso ng edukasyon na isinasagawa ng sosyalistang gobyerno sa bawat komunidad.
5. Itaguyod ang karapatan-sa-sariling-pagpapasya ng Bangsamoro at iba pang mga indigenous na komunidad. Suportahan ang pakikibaka ng Bangsamoro para sa tunay at makabuluhang otonomiya.Ipatupad at palakasin ang prinsipyo ng mga IPs na pag-aaring komon ang natural resources at steward lamang ang komunidad ng mga ito.Itigil ang landgrabbing at pagpapatitulong-pribado ng mga ancestral domain.Pabalikin sa kanilang ancestral domain ang mga itinapong IPs dahil sa landgrabbing. Pagkalooban agad sila ng lahat ng tulong at ayuda habang inaayos pa ang restorasyon ng kanilang komunidad. Itigil ang ‘red-tagging’, military harassment, at paglabag sa karapatang pantao na isinasagawa ng military forces sa mga komunidad ng IPs sa ngalan ng anti-terorismo.Itataguyod ng Gobyerno ng Masa ang otonomiya ng mga ethnic communities (Bangsamoro, Cordillera, Lumad, at iba pa) at bibigyan sila ng suportang pang-ekonomiya at pampulika para makabangon at maitayo ang mga istruktura ng otonomiya (sariling parliyamento at sistema na hindi bumabangga sa interes ng mamamayan). Ipatutupad ang mahahalagang nilalaman ng IPRA (Indigenous People’s Rights Act) at aamyendahan ang mga probisyong nagpapabagal o sumasagka sa pagpapatupad nito. Titiyakin ang konsultasyon sa mga IPs sa pag-amyenda at pagpapalakas ng batas.Tatanggihan ng gobyerno ang anumang patatakaran at programa ng asimilasyon at integrasyon ng mga ethic community na bubura sa kanilang identidad at kultura.Kinikilala ng sosyalistang gobyerno ang karapatan-sa-sariling pagpapasya, kabilang ang karapatan sa pagtiwalag (secession), ng mga inaaping bansa o ethnic communities. Hikayatin silang sumapi sa socialist federal system na ituturing silang kapantay ng iba pang sosyalistang republika.
6. Paglutas sa armadong mga sigalot sa loob ng bansa, ang militarisasyon ng Asia-Pacific, at ang pinag-aagawng teritoryo sa West Philippine Sea: Wakasan ang Mutual Defense Treaty, Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).Pull-out ng lahat ng pwersa ng US at mga imperyalistang pwersa sa mga ipinagkaloob na de facto US military bases ng gobyernong Noynoy Aquino at gobyernong Marcos Jr (bumibilang na ito ng 9 na base).Repeal ng lahat ng kontra-mamamayan na batas tulad ng Anti-Terrorism Law ng 2020 at iba pang katulad na mga batas.Pagsulong ng peace process para wakasan ang lahat ng armadong sigalot sa pamamagitan ng paglutas sa inhustisyang panlipunan at pampulitika na ugat ng mga ito.Ang Gobyerno ng Masa ay bubuo ng independyente at maka-internasyonal na patakarang panlabas (independent foreign policy) bilang prinsipyong politikal tungo sa mas malawak na kooperasyon ng mga bansa at mamamayan ng daigdig.Tututulan ang ekspansyonistang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea, gayundin ang militaristang pagpatrol ng Estados Unidos sa buong karagatan ng Asia-Pacific. Ang ganitong kalagayan ay nang-uupat ng posibilidad ng gyera sa ating rehiyon.Itataguyod ang komon na pag-unlad at paggamit (sa prinsipyo ng commons) ng mga bansa sa Southeast Asia sa likas na yaman sa mga disputed areas.      Ibabatay ng sosyalistang gobyerno ang kanyang internasyonal na relasyon sa prinsipyo ng soberanya ng Pilipinas, anti-imperyalismo, at internasyonalismo. Lilinangin ang tunay na kapayapaan sa iba’t ibang gobyerno sa batayan ng pagrespeto sa soberanya ng kanilang mamamayan, karapatan sa sariling pagpapasya, at mapayapang pakikitungo (peaceful coexistence sa bawat bansa).Sa prinsipyo ng anti- imperyalismo at kapayapaan sa daigdig, isusulong ang layunin ng pagbabaklas ng lahat ng nuclear weapons, weapons of mass destruction, cyberwarfare, at iba pa. Babaklasin rin ang standing army (special army na nakahiwalay sa masa) at pananatilihin lamang ang milisya sa bawat barangay na siyang mangangalaga ng seguridad ng bayan. Ang paglutas sa lahat ng mga marahas na kaguluhan at krimen ay hindi lamang ang kagyat na pagpaparusa dito, kundi pagtitiyak na ang pinagmumulan nito (kahirapan, alienation, kawalan ng diwa ng komunidad, atbp.) ay mapapawi rin.
7. Pagwawakas sa lahat ng anyo ng diskriminasyon at inequality sa gender: Wakasan ang karahasan laban sa kababaihan. Gumawa ng mga batas na nagbibigay ng ibayong parusa sa mga krimen laban sa kababaihan, kabilang ang sexual harassment at sexual abuse.Isabatas ang diborsiyo at i-decriminalize ng aborsyon. Isulong at palakasin ang reproductive health rights.Wakasan ang diskriminasyon sa single parent.Itaguyod ang marriage equality at suportahan ang mga alternatibang mga family arrangement.Pagbasura sa lahat ng mga batas na nagdidiskrimina sa kababaihan at sa mga lesbian, gays, bisexuals at transgender, at gawing legal ang kategoryang pangkasarian (gender) na LGBTQIA+.  Kikilalanin ng Gobyerno ng Masa ang reproductive work ng kababaihan sa loob ng pamilya bilang tunay na trabaho na may bayad na kailangang ipagkaloob ng gobyerno sa bawat kababaihang nakatali sa trabahong bahay (gaya nang nakasaad sa konstitusyon ng Venezuela).Gagarantiyahan ng Gobyerno (sa pamamagitan ng batas, education campaign, at iba pa) ang pagwawakas sa karahasan at diskriminasyon laban sa kababaihan sa domestiko at pampublikong larangan.Tutulong ang gobyerno na isulong ang pang-ekonomiyang empowerment ng kababaihan, gaya ng pagtatayo ng Women’s Bank, ang paggawa ng gender budgets sa lahat ng antas ng gobyerno, ang adult education at vocational training sa kababaiha, at mga batas na tutugon sa gender wage gap.Palalayain ang kababaihan, hindi lamang sa pagkilala ng kanilang karapatan sa batas kundi sa kongkretong papel nila sa pagsulong ng lipunan. Ang kababaihan ay may karapatang magtrabaho at hindi dapat ma-typecast lamang sa pangangalaga sa tahanan. Ang pangangalaga sa tahanan at sa mga anak ay magiging concern ng komunidad, kaya isusulong ang mga serbisyong pangsuporta dito, gaya ng paglilinis ng bahay (team of cleaners), paglalaba (pagkolekta ng labahin at pagdadala ng mga nalinis na), pagluluto (pwedeng sentralisado sa community canteen), pag-aalaga ng mga bata (community nursery at kinder), at iba pa. Ang kababaihang pipiliin na manatili sa tahanan ay pagkakalooban ng kabayaran sa kanilang reproductive work. Sa sosyalistang kaayusan, ipatutupad ang mga batas, kampanyang edukasyon, at iba pa para sa interes ng kababaihan. Gayundin, ang pagtitiyak na ang karapatan ng kababaihan at ng LGBTQIA+ ay naisusulong.Ang karapatan sa diborsyo ay ipinagkakaloob nang walang anumang kabayaran, at madaling nagaganap kapag may kasunduan ang dalawang panig.Ang karapatan sa abortion ay magiging medically available sa lahat ng mga kababaihang mangangailangan nito.Wawakasan ang lahat ng anyo ng sexismo (diskriminasyon sa kababaihan) at misogyny (mga anyo ng pagkamuhi, bias, at prejudice sa kababaihan).Ang paglaya ng kababaihan ay kinikilala ng sosyalismo na isang “rebolusyon sa loob ng rebolusyon”. Hindi agad ito mapapawi dahil kung ilang libong taon o ilang milenya na ang pang-aapi na nagaganap sa kababaihan. Mulat na isusulong ng sosyalistang gobyerno ang paglaya ng lipunan sa anumang materyal na batayan, kaisipan at pananaw na nagpapanatili ng pang-aapi sa kababaihan.   Sa ilalim ng Bagong Family Code sa Cuba, kinilala ang same-sex marriage, ang karapatan nilang mag-adopt, ang legalisasyon ng iba’t ibang anyo ng pagsasama (marriage o de facto), ang interbensyon ng estado sa violence sa kababaihan at LGBTQIA+ sa loob ng pamilya, at ang karapatan sa libreng gender reassignment (pagbabago ng kasarian) surgery. Ang huli ay bahagi ng healthcare system sa Cuba.
8. Pangangalaga sa ating kabataan. Libreng edukasyon sa pampublikong paaralan para sa lahat ng kabataan sa mahihirap na pamilya, mula sa antas primarya hanggang kolehiyo.Paglulunsad ng mga espesyal na programa para mahatak pabalik sa eskwela ang mga out-of-school youth.Wakasan ang mandatory ROTC.Ipagkakaloob ng Gobyerno ng Masa ang living stipend o pondo sa lahat ng mga kabataan ng mahihirap na pamilya hanggang makapagtapos sila ng pag-aaral.Hindi magiging patakaran ng Gobyerno ng Masa na i-draft ang ating kabataan sa panloob o panlabas na digmaan. Ang mobilisasyon ng kabataan at able-bodied citizens ay isasagawa lamang kung ang bansa ay sinakop. Pauunlarin ang mga progresibo at socialist-oriented na education courses. Ibabalik ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas doon pa lamang sa elementarya hanggang kolehiyo.Ipatutupad ang pagbaka sa droga, hindi sa pamamagitan ng pagpatay sa mga user at maliliit na pusher. Habang pinarurusahan ang mga malalaking druglords at sindikato, lulutasin ang suliranin sa mga kabataang nalululong sa droga sa rehabilitasyon centers, pagbibigay ng lahat ng pagkakataon sa kanila na makapag-aral, at mag-treyning sa mga paborito nilang sports at recreational activities.Sa sosyalismo, ang edukasyon ay karapatan ng bawat indibidwal. Wawakasan ang pagkakahati ng educational institution mula pribado at publiko. Patatakbuhin ng gobyerno ang lahat ng mga paaralan nang walang bayad sa gustong mag-aral at nagnanais na paunlarin ang kanilang kakayahan. Lahat ng libro at references na kailangan sa pag-aaral ay libre o accessible sa lahat.Para nakapokus sa pag-aaral ang indibidwal, tatanggap siya ng stipend para sa kanyang mga gastos, may libreng dormitoryo, libreng pagkain, recreational areas, at support activities.
9. Pangangalaga sa mga senior citizens: Pagtitiyak ng mainam na kabuhayan sa mga senior citizens o mga hindi na kayang magtrabaho, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng sapat na pension mula edad 60.Paglulunsad ng mga proyektong makatutulong sa pag-unlad ng pisikal at mental na kakayahan ng mga senior citizens at pangangalagang pangkalusugan.Magtatayo ang Gobyerno ng Masa ng mga disente at libreng pasilidad at tirahan sa mga may-edad (laluna ang may kapansanan). May doktor at narses na itatalaga rito.Ang pangangalaga sa senior citizens at mga may-edad na, laluna ang may kapansanan, ay tungkulin ng gobyernong sosyalista. Magtatayo ng mga disente at libreng pasilidad sa kanilang komunidad para manatili ang kanilang ugnayan sa mga kamag-anak, kaibigan at kakilala.Mag-oorganisa ng mga aktibidad na makatutulong sa kanilang kalagayang mental at pisikal.
10. Itaguyod ang mga karapatan ng Overseas Filipino Workers (OFWs): Tiyakin na magkaroon sila ng sapat na sweldo at mainam na kalagayan sa trabaho sa labas ng bansa. Isulong ang government-to-government system ng pagkakaloob ng trabaho sa OFWs, kung saan tinitiyak ng kasunduan ng parehong gobyerno na may disente at makataong trabahong naghihintay sa OFWs.Bigyan ng agad na suporta ng embahada ng ating gobyerno ang OFWs na nangangailangan ng tulong at ayuda. Magtayo ng mga emergency center na magagamit ng mga OFW kung kinakailangan.Bigyan ng karampatang suporta ang naiwang pamilya sa bansa ng OFWs.Sa mga OFWs na mawawalan ng trabaho dahil sa krisis, bibigyan sila ng Gobyerno ng Masa ng isang social relief package na binubuo ng disenteng trabaho o kaparaanan para mabuhay, disenteng pasahod, at sapat na proyektong tutugon sa kanilang mga pangangailangan sa kalusugan, edukasyon at pabahay.Hihikayatin ang iba pang OFWs na nais bumalik sa Pilipinas na kunin ang social package na ito para makapagsimula ulit sa bansa, kapiling ng kanilang pamilya.Ang export ng labor ay hindi isang patakaran ng sosyalistang gobyerno. Ang pag-unlad ng manggagawa at kanyang pamilya ay tinitiyak sa sosyalistang kaayusan dahil sila ang magmamay-ari ng mga kasangkapan sa paglikha ng yaman.
11. Pangangalaga ng mga PWDs: Tiyakin ang mga karapatan ng mga PWDs (persons with disabilities). Tanggalin ang diskriminasyon laban sa kanila. Ibigay ang mga pangangailangan ng mga may kapansanan (subsidy, tulong panlipunan at ayuda) at access sa lahat ng serbisyo at treatment (medikal, therapy, psychiatric, at iba pa).Magtatayo ang Gobyerno ng Masa ng isang hiwalay na one-stop institution na mamamahala sa pagpapatupad ng mga programa at patakaran upang protektahan ang karapatan ng mga PWDs. Sa ngayon, nasa ilalim ng DSWD ang National Council on Disability Affairs (NCDA). Dapat mayroong hiwalay na badyet para sa one-stop na institusyon upang matiyak ang kakayahan nitong suportahan ang mga PWDs. Dapat ibigay ng one-stop na institusyon ang lahat ng serbisyo at tulong na kailangan ng mga PWDs.Sisiguraduhin ng Gobyerno ng Masa na ang mga may kapansanan ay makakatanggap ng libreng pangangalagang pangkalusugan para sa kanilang mga pangangailangan.Titiyakin ng sosyalistang gobyerno na ang mga karapatan at tulong sa lahat ng mga taong may kapansanan ay ipagkakaloob ng estado.Katulad sa Cuba ngayon, libre ang tulong sa mga PWDs. Ang pangangalaga ay ibinibigay ng mga healthcare worker at ginagawa sa mga rehabilitation center na nasa pareho o malapit na komunidad sa may kapansanan para matiyak ang regular na pagbisita at therapy treatment. Ang bawat taong na-diagnose na may kapansanan (pisikal, mental o developmental man) ay magkakaroon ng medical team na itatalaga sa kanila para sa paggamot at therapy. Mayroon ding mga espesyal na paaralan o klase ng espesyal na edukasyon para sa mga mag-aaral na may mga problema sa kapansanan. Ang napakayamang pamilya lamang ang kayang bayaran ang mga serbisyong ito sa Pilipinas. Sa Cuba, tulad nang kung maging sosyalista ang Pilipinas, ito ay libre at ipagkakaloob nang may pangangalaga at paggalang sa PWDs.
12. Pagpapaunlad ng kultura ng masa at pagsulong ng people’s mass media: Buwagin ang monopolyo ng mga kapitalistang korporasyon sa media at telecommunications industry. Palakasin ang independent mass media.Paunlarin ang community-based media: Internet-TV, podcast, radio, theatre, dyaryo, magasin, at iba pa.Pauunlarin ng Gobyerno ng Masa ang government media unit nito na makikipagpaligsahan sa burges na media. Pero ito ay tutuon sa napapanahon at seryosong pagtalakay ng mga isyu ng mamamayan at hindi mga sensationalized news o entertainment show lamang na walang laman at punung-puno ng misogynistic at racist na programa. Titiyakin rin ng gobyerno na maempleyo ang mga displaced media worker ng ABS-CBN nang walang pagbaba ng salary scale at mga benepisyo.Para paunlarin ang Internet capability para sa media at sa komunikasyon, titiyakin ng gobyerno na ang buong bansa ay maging cable-ready at ang access dito at sa Internet service ay nasa makatwirang presyo.Sa sosyalistang sistema na ipupundar ng Sosyalistang Gobyerno ng Masa, bubuwagin ang mga kapitalistang korporasyon sa media at palalakasin ang people’s media at independent/local/community media.Paunlarin ng sosyalistang gobyerno ang anti-kolonyal, anti-imperyalista, anti-pasistang kultura na kritikal, hindi individualistic, sekular at socially-oriented.

Istruktura ng Estado sa Cuba

TALA:

1. Sa istruktura ng gobyerno sa Cuba, ang pundasyon ay ang mga People’s Councils sa lungsod, bayan, komunidad, at mga lugar sa kanayunan. Ang People’s Councils ang naghahalal ng Municipal Assemblies. Ang Municipal Assemblies naman ang naghahalal ng Provincial Assemblies.

2. Ang National Assembly ay inihahalal ng mga Legislative Districts (may 3 o higit pang Legislative District sa isang munisipyo). Maraming kinatawan ng Municipal Assemblies ang nominated sa Legislative Districts at nahahalal din sa National Assembly.

3. Ang eleksyon sa National Assembly ay direct election ng mga botante sa Legislative Districts.

4. Ang National Assembly ang naghahalal ng Council of State (pinamumunuan ng Presidente na pinamumunuan ang bansa) at Council of Ministers (pinamumunuan ng Prime Minister na pinuno ng gobyerno). Ang Council of State ay may kapangyarihang magpatawag ng Council of Ministers (katumbas ng Cabinet sa Pilipinas) kung kinakailangan.

5. Ang National Assembly ay nagpupulong ng dalawang beses lamang sa isang taon. Sa prinsipyo ng sosyalismo, ang parliyamento ay parehong may kapangyarihang lehislatibo at ehekutibo (prinsipyo ng Paris Commune sa isinulat ni Karl Marx. Ito’y hindi “nakalutang” o gumagawa ng mga batas na nakahiwalay sa masa (pero sumasahod ng milyun-milyon at marami pang benepisyo at kurakot) gaya ng mga parliyamento sa kapitalistang sistema. Ang mga batas sa Cuba ay nagsisimulang isulong doon pa lamang sa People’s Councils na grassroots na pundasyon ng gobyerno. Ang National Assembly ay may karapatan ding ehekutibo, dahil matapos ang session ng National Assembly, babalik sila sa kanilang mga trabaho at lugar para doon tumulong na ipatupad ang mga pinagtibay na batas. # 

Leave a comment